Chapter 26

361 21 1
                                    

•••𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈-𝚂𝙸𝚇•••



𝚂𝚘𝚙𝚑𝚒𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

“Pst… Hoy! Ang titigas ng ulo niyo huh! Alis sabi!” inis kong sita sa mga freshmen dahil sa nakikisilip pa rin sila kahit na alam nilang bawal na sila dito.

Nakakabanas lang kasi. Hindi nakikinig eh, dagdag ng sakit sa ulo.

“Wag kang ngang sumigaw Pia! May telepathy ka naman eh.” inirapan niya ako ng lumingon ako sa kaniya.

“Kung 'di lang kita kaibigan malamang wala ka ng mata ngayon, Scarlet.” aniko sa naiinis na tono.

“Kung 'di rin kita kaibigan malamang matagal na kitang tinusta 'no!” balik salita niya sa 'kin.

“Nagbabangayan na naman kayo? Kailan ba kayo titino mga prinsesa?” napalingon kaming dalawa sa nagsalita.

“Nakikialam ka na naman?” magkasabay pa namin iyong sinabi ni Scarlet. Dahil do'n nagkatitigan kaming dalawa at saka napa-irap sa isa't isa.

Tsk! Suplada na panay ikot ng mata! Wala ng nagawa kundi magpa-ikot ng mata.

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko kay Marco. Bawal kasi sila dito ng kakambal niya,  iyon ang kabilin-bilinan ng hari sa 'min.

Napakunot ang noo ko ng hindi siya sa 'min nakatingin kundi do'n sa likod namin. Naningkit ang mata niya na animo'y naguguluhan sa nakikita.

“Anong nangyayari kay Sam?” ang sabi niya.

“Si Sam?” bulalas na wika ni Scarlet at sabay namin na nilingon si Sam.

Sa paglingon namin ay siyang paghawi ni Marco sa 'ming dalawa ni Scarlet para makadaan siya. Naging seryoso na rin ako ng makita ko ang pag-iilaw ng kwentas ni Sam.

Sa tuwing umiilaw ang kwentas na iyan ay may hindi magandang mangyayari eh. Kinukutuban na naman ako.

Seryoso kaming nagkakatitigan ni Scarlet at saka tumango sa isa't isa. Ipinagdikit namin kaagad ang aming mga palad at saka naglabas ng kapangyarihan.

Napagdesisyunan namin na lagyan muna ng apoy at kuryente ang exit at entrance para walang makapasok na ibang studyante. Nang matapos naming gawin iyon ay mabilis kaming nagtungo sa direksyon nila Sam.

“Sam? Ano na naman ba iyan?” ang sabi ni Sun na halata kong iritado na rin.

Mukhang nagka-inisan ata sila ni Sam kaya ganiyan na naman ang pakikitungo niya kay Samantha.

Pero napasinghap na lang ako nang magtangka siyang lumapit sa malaking gusali. Muntikan pa niyang mahawakan ito kaya gano'n na lamang ang kaba ko.

“S---” hindi ko na naituloy pa ang aking dapat na sasabihin nang makita kong kaagad siyang huminto ilang pulgada na lamang ang kamay niya sa gusali.

Napalingon ako kay Scarlet nang dahil doon. Muntik na, kapag kasi nahawakan niya ang gusali ay… Fck!

“SAMANTHA NO!”

“SAM!”

“HINDI!”

Kapwa kami nagsisigaw nang bigla na lamang makagalaw si Sam mula sa mahika ni Scarlet. Masiyadong mabilis ang pangyayari at nilamon si Sam ng buhay sa gusaling ito. At hindi na siya makakalabas diyan ngayon hanggang hindi natatapos ang tatlong araw.

Kapag may nangyayaring ganiyan ay hindi na nabubuksan ng mga First Royale ang gusaling 'yan kapag may nilamon itong tao hanggang hindi umaabot ng tatlong araw ang pagkakakulong ng tao na iyon.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now