Chapter 39

415 14 2
                                    

•••THIRTY-NINE•••


Samantha's POV

I am so sick of listening on their chitchats. Nagsasayang lang sila ng oras. Alam naman ni Anayah na nauubusan na kami ng oras tapos nakikipag-away pa siya sa ina niya.

“Then if you want me to comeback to you. Pasensya na kung gagawin ko ito.” nabigla ako sa ginawa sa ina ni Anayah.

Hinawakan niya ako sa balikat at mabilis kaming naglaho saka napunta kami sa isang malaking bilog na kanina'y pinaglagyan ni Ziphora ng mga sangkap kamo na sinasabi niya.

She then slit my palm with a knife na sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na napigilan pa.
“Ano ba!” asik ko.

Ako na ang may kontrol sa aking katawan. Hindi ko alam pero parang bumalik sa loob ko si Anayah.

“Just please this one anak. Kahit wag ka na magpakasal sa anak nila. Kahit ito na lang ang gawin mo para sa 'kin. Okay?” inismiran ko siya sa kaniyang sinabi.

Buong lakas kong inagaw ang kamay ko na hawak niya kahit na umaagos ang dugo ko doon at pumapatak ito sa bilog na lalagyan nila. Ang dugo ko siguro ang isa sa mga sangkap nila.

“Bitawan mo ako! I am not your daughter! At kahit anong pilit mo ay hindi kami iisa! HINDI!”

Habang nagbabangayan kami ay busy naman sina Grey sa pagprotekta sa banal na libro mula sa mga atake ni Ziphora. Nanlisik ang mata niya ng sinabi ko iyon at nang tuluyan ko ng maagaw ang kamay ko mula sa kaniya.

“Ang tigas talaga ng iyong ulo! Bakit hindi umaayon ang propesiya na aking ginawa? Pasikat na ang araw. Dapat ay nanghihina ka na ngayon.” aniya.

Nagtaka man ako ngunit wala naman akong naramdaman na panghihina. Kung gano'n man ay hindi totoo ang propesiya.

“That is good to hear. Kung gano'n ay hindi totoo ang ginawa mong propesiya.” aniko habang binabalutan ng tela ang aking mga palad na hiniwa niya kanina.

“It is. I am your mother! Mas malakas ako kaysa sa iyo na aking anak. Nanggaling ka sa 'kin kung kaya't mas malakas ako. Kaya tinawag na banal na libro ang libro na iyon dahil hindi iyon kailanman masusunog hanggat hindi nangyayari ang-”

“No you're wrong. Nasusunog iyan Ina.”

“What the---” dinig kong wika ni Ziphora.

Tila napasinghap rin ang lahat sa isang enerhiya na biglang dumaan nang makuha ni Zara ang banal na espada.

Yes, it was her. She called that woman her mother. Ngayon ay punong-puno na talaga ako ng kalituhan. Sino ka ba talaga Zara?

“A-anong sinabi mo?” tanong ng ina ni Anayah kay Zara.

“You! Give me back that Sword!” galit na usal ni Ziphora.

Nang mahawakan niya pa ang banal na espada katulad nong sa'kin sa kasalan kanina'y umilaw rin ang mga mata niya at nabalutan siya ng liwanag na kulay berde.

“Ina… Tumigil ka na pwede ba? Hindi ako mapayapa ng dahil sa 'yo.” puno ng galit na wika ni Zara.

“Aranayah…” narinig ko ang malungkot na boses ni Anayah sa loob ko.

Siya ba ang tinutukoy niyang kakambal niya noon? Kaya naman pala bigla na lang sumulpot si Zara sa simula ng digmaan.

“Today… no one can bring back the demon king as long as I am breathing, Ina.” ani pa niya.

“Sino ka ba talagang bata ka at nakiki-alam ka sa trabaho ng matatanda?” usal uli ni Ziphora.

“Ara? Ikaw ba 'yan?”

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now