𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 15

401 20 0
                                    

•••𝙵𝙸𝙵𝚃𝙴𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅


"Hindi ba talaga ako nananaginip? Seryoso?"

"Samantha naman eh! Paulit-ulit na, nakakabanas!" inis niyang wika sa 'kin. Pangatlong tanong ko na kasi iyon sa kaniya.

"Hehehe... 'to naman. Naninigurado lang. Baka kasi mamaya magising na naman ako s---"

"Samantha!" mapagbanta niyang wika sa 'kin.

"Oo na! Oo na! Titigil na ako." kaagad kong sagot sa kaniya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay dumating naman si Ma'am Aurora at Sophia na may dalang pagkain. Nasa hapag-kainan kasi kami sa bahay nila Phia eh.

Alam niyo na, tumunog na naman ang halimaw sa tiyan ko kaya medyo nahiya ako kanina kay Grey. Tinawanan pa ako ng gag*.

"Ohh! Kumain ka na. Para sa 'yo 'yan lahat." nakangiti na wika sa 'kin ni ma'am Aurora.

Wow! Fried chicken tsaka...

"Ano 'to?" nagtataka kong tanong sa kanila habang tinuturo ang pagkain na kulay dilaw na parang may cheese sa ibabaw ata. Ewan.

Kumunot ang noo ni Grey while ma'am Aurora jaw dropped. Habang si Phia naman ay natigil sa paglagay ng iba pang pagkain sa lamesa nila.

Bakit? May nasabi ba akong mali? Nagtatanong lang naman ako eh.

"Y-you don't know this food?" tanong ni ma'am sa 'kin na inilingan ko naman. Malay ko ba sa pagkain na 'yan. 'Di naman kasi ako mayaman.

"We call it Lasagna, Samantha. L-A-S-A-G-N-A, Lasagna." paliwanag sa 'kin ni Sophia.

"Eh? Ano? Edi Lasagna ang basa hindi Lasanya." lito kong wika sa kanila.

"It's Lasagna, Sam. Gano'n ang spelling niya but the pronunciation is different." paliwanag naman sa 'kin ni ma'am habang sinasalinan ako nito sa aking plato.

"Ewan ko sa 'yo Sam. Sumasakit ulo ko." reklamo naman ni Grey sa tabi ko. Nginitian ko naman siya ng pilyo tsaka ko siya inambahan ng subo.

"Ah..." ani ko sa kaniya na ikinagulat niya. Bigla kong naalala na nandito pala sila ma'am Aurora at Sophia kaya napatikhim ako kaagad.

"T-tikman mo muna kung masarap ba. T-tsaka ako k-kakain." utal kong wika sa kaniya.

"I-I have hands, Samantha!" kunyari pa siyang naiinis bago niya iniwas ang mukha niya sa 'kin.

Asus... kala niya siguro hindi ko mahuhuli pamumula ng mukha niya. Napalunok na lang ako ng kumuha siya ng kutsara at mabilis na tinikman ang pagkain.

Napansin ko pa ang paglaki ng mata ni Phia nang makabalik siya pero hindi ko na lang iyon pinansin pa. Nagmadali rin naman siyang umalis matapos niyang makita na sumubo si Grey.

"Masarap?" tanong ko kay Grey habang nginunguya niya ang Lasagna raw.

"Grabe ka naman sa 'kin Sam. Masarap kaya ako magluto, saka hindi naman kita lalasunin eh." maktol ni ma'am Aurora sa 'kin.

"Okay naman siya." simple lang na sagot ni Supremo sa 'kin.

"Okay? 'Yun lang? Ang tanong ko m--hmsxsvxmm" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang bigla niyang sinupalpal ang bibig ko ng pagkain. Magagalit na sana ako nang malasahan ko ang kinakain ko.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now