𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 17

371 20 0
                                    

•••𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽𝚃𝙴𝙴𝙽•••



𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Sinunod ko lang ang sinabi sa 'kin ng hari pero lubha akong nagtataka ngayon kasi mukhang nagkamali ata ako ng napuntahan. Imbes na cr 'yung inaasahan kong bubungad sa 'kin sa pagbukas ng pintuan pero iba ang bumungad sa 'kin.

It's a girl bedroom for a kid. Like literally a 5 years old kid.

Naiihi na talaga ako kaya naghanap na lang ako ng Cr sa kwarto na 'to at nahanap ko naman ito kaagad. Thankfully it's not lock, pagnagkataon mapipilitan talagang akong sirain ito.

Nakahinga ako ng maluwag ng makaihi na ako. Mabilis naman akong nag-asikaso at kaagad na lumabas. Baka makita pa ako ng hari dito eh. Malalagot pa ako.

Papalabas na sana ako ng pintuan ng may makaagaw ng pansin sa 'kin. Automatic na huminto ang katawan ko sa nasaksihan. Kumunot ang noo ko at dahan-dahan kong nilapitan ang litrato na nakaagaw ng pansin sa 'kin.

It is a baby girl na katulad nang sinabi ko kanina ay mukhang nasa 5 or 4 years old ata sa tantiya ko. She look really familiar kaya ako napahinto. Tiningnan ko pang mabuti ang litrato at napabaling ako sa braso ng batang babae.

Gano'n na lamang ang pagkakabigla ko ng makita ang isang tattoo sa kaliwang balikat ng batang babae. Posible kayang---.

”ANAK NG PALAKA SA KANAL!”

”Mahal na prinsesa, ano pong ginagawa ninyo sa kwartong ito? Mahigpit na ipinagbabawal ng hari at ng reyna ang pagpasok sa kwartong ito.” magalang na sabi ni manang. Kinalabit niya kasi ako kanina ng hindi man lang nagsasalita. Nagulat tuloy ako.

”Ahh… k-kasi ano. N-naligaw ho ako. Hinahanap ko po kasi ang banyo. Eh naiihi na ako kaya dito na ako na-ihi sa cr dito.” turo ko pa sa cr na ginamit ko kanina lang.

Mabilis naman niya akong hinila at tinulak papalabas at pinagsalitaan ako. ”Labas na po kayo, kapag po nalaman ng hari at reyna ay magagal---” ngunit hindi pa nga natapos ang sinasabi ni manang ng sumulpot na ang hari sa harapan namin kaya namilog kaagad ang mata ko sa gulat.

Patay na!

”Manang! What are you doing here?” napapitlag ako sa lakas ng boses ng hari. Napalunok pa ako ng wala sa oras. Ngayon ko lang siya nakitang nanlilisik ang mga mata.

Nakakatakot.

”Ah-- p-pasensya na mahal na hari. K-kasalanan ko po. Nalig--”

”Lumayo na kayo diyan habang hindi pa kayo nakikita ng reyna!” malamig niya iyong sinabi sa 'min kaya walang pasabi akong hinila ng pinuno ng maids nila dito sa palasyo.

Nagpahila na lang din ako at hindi na pumalag pa. Subalit, napahinto na naman kaming dalawa ni manang na nanlalaki ang mga mata. Nakasalubong lang naman namin ang Reyna no'ng papaliko na kami para sana bumaba na ng hagdan. Napalunok na naman ako ng wala sa oras nang kunot-noo siyang nakatingin sa 'kin.

”Ano't hinihila mo siya manang?” taas kilay niyang wika sa katabi ko.

Napalingon naman ako kay manang, nagbabakasakali na matulungan ko siya ngunit umurong din ang dila ko nang dahil sa paulit-ulit na paglitaw ng litrato na nakita ko kanina sa silid.

”Naligaw po siya mahal na reyna. Tinutulungan ko lamang siya kung saan ang tamang daan.” mabilis na paliwanag ni manang. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang mukha ng reyna na mukha namang naniwala.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now