𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 20

378 21 0
                                    

•••𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈•••





𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

“Pasensya na kanina. Nasaktan ka pa tuloy ng kapatid ko.” paumanhin ni Rex sa 'kin. 

Naka-upo kami ngayon sa isa sa mga bench dito sa paaralan namin. Nilingon ko siya ng sinabi niya iyon. Hindi ko alam kung bakit mas nag-aalala pa siya sa 'kin kumpara sa kapatid niya na nagawa niyang saktan ng dahil din sa 'kin.

“You don't need to.” maikli kong sagot.

Bigla niyang kinuha ang kaliwa kong kamay na nasugatan kanina sa pag-atake ni Fey. As usual hindi na naman siya naghilom. Nakokontrol ko na kasi ito pero may time na nag-he-heal lang ito nang sa kaniya lang  kapag masiyado akong nabigla sa mga pangyayari.Binawi ko kaagad ang kamay ko sa kanya.

“Okay lang 'yan. Malayo 'yan sa bituka.” biro ko sa kaniya na alam kong hindi niya paniniwalaan.

Mabilis naman niyang hinablot uli. Kahit pa siguro kagat ng lamok o langgam ay ganiyan din ang magiging reaksyon niya sa 'kin kahit na wala lang naman talaga 'yun.

“Dumudugo Mmy, ta's wala lang 'yan? Kutos gusto mo?” ayan na naman siya. Palagi na lang talaga. Kahit malayo lang naman talaga siya sa bituka.

“Rex? Nakalimutan mo na ata kung sino ako?” pabiro kong wika sa kaniya.

Nahinto naman siya sa pagpupunas ng dugo sa nasugatan kong kamay at saka tumingin sa 'kin.

“Mmy… wala po akong amnesia okay?” napa-irap ako sa isinagot niya. Kahit kailan talaga, kapag ako na ang nagbibiro hindi man lang makikisakay.

Hinablot ko na naman ang kamay ko mula sa kaniya. “Wala nga lang 'yan okay. Hindi naman 'yan masakit. Over ka naman masiyado. Puntahan mo na lang kapatid mo do'n at baka magalit pa 'yun ng husto sa 'kin kasi ako ang inuna mo.” mahaba kong wika sa kaniya.

“'Yaan mo siya. 'Di 'yun nagtitino eh kapag palaging may sinasandalan. Sigurado akong malalagot na naman siya kay Daddy.” sagot niya ng hindi nakatingin sa 'kin.

“Pero, kapatid mo pa rin naman siya. Dalawang tao na ang nawala sa kaniya. Kailangan niya ng karamay para mabawas-bawasan man lang ang sakit na dinadamdam niya ngayon.” paliwanag ko naman sa kaniya.

Matagal siyang nakasagot sa sinabi ko. “Alam ko.” aniya.

“Pero Sammy… 'di pa naman siya gising eh. Tulog pa 'yun ngayon.” natatawa niyang wika sa 'kin.

Takte seryoso na 'yung usapan ta's tatawanan lang niya. Bwesit na 'to!

“Ang tino mo talaga kausap Rex.” inis kong wika sa kaniya.

Mas lalo naman siyang natawa sa sinabi ko.
Nagkatitigan kaming dalawa. Bigla na lang niyang hinawi ang buhok ko at may tiningnan siya sa aking noo.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, “Sa'n mo na naman nakuha 'to! Ikaw talaga! Hindi mo inaalagaan 'yang balat mo!” sinamaan ko na siya nang tingin sabay na tinampal ang kamay niya na nakahawak sa noo ko.

“Tigil-tigilan mo ako Rex, baka sakalin kita diyan eh!” inis kong turan sa kaniya.

“Seryoso ako rito Mmy.” maikli naman niyang sagot.

“Ewan ko sa 'yo!” matapos kong sabihin 'yun ay sumulpot naman kaagad si Yasmen na ikinataka ko.

“Oh! A-anong ginagawa mo rito?” ang tanong ni Rex kay Yasmen. Nagkatitigan pa kami ni Yasmen bago niya sinagot si Rex.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now