𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 16

379 19 0
                                    

•••𝚂𝙸𝚇𝚃𝙴𝙴𝙽•••


𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Masaya ang lahat na nagtitipon-tipon ngayon dito sa bahay nila Sophia. Pero ako ay wala pa rin ako sa mood nang dahil sa nalaman ko kanina kay Yumi.

"Sam? Busog ka na ba? Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo eh." ang sabi ni ma'am Aurora sa 'kin. Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi.

"Bakit? Masama na naman ba pakiramdam mo, Sam?" ang tanong naman ni Rex sa 'kin.

Umiling ako sa kaniya. "Hindi, naisip ko lang na... gusto ko na sanang mag-simula kaagad sa pag-eensayo." ang sabi ko sa kanila. Tila natahimik naman silang lahat sa sinabi ko.

"Kasi, malay natin kung kailan babalik ang mga kadiliman na 'yun. At saka... hindi pa ako kampante sa lakas ko. Marami pa akong mga bagay na kailangan pagtuunan ng pansin." seryoso kong wika sa kanila.

"Pwede ka naman magsimula bukas eh." sagot ni ma'am Aurora.

"Oo nga." sang-ayon pa nila.

Ngumiti ako, "Hindi naman kasi dapat inaaksaya ang panahon. Gusto ko lang na sa pagbalik nila muli ay handa na tayong lahat. 'Yung hindi na mauulit pa ang mga nangyari. Sawa na kasi ako eh, lagi na lang akong nahihimatay kahit sa maliliit na bagay lang." tahimik lang sila habang nakikinig sa 'kin.

"At saka, hindi bagay sa titulo ko ang pagiging mahina. Marami lang nasasaktan na tao." dugtong ko pa.

"'Yan ba talaga ang gusto mong gawin?" tanong ni ma'am sa 'kin na tinanguan ko kaagad.

"Eh Sam, kakagising mo lang eh. Hindi ka p---"

"Julia... Okay na ako. Kaya ko na." pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"I know you can handle, but... hindi lang naman ikaw ang mag-eensayo right?" ang tanong ni Sophia sa 'kin.

"Well, maybe you should announce to the whole kingdom about your plan. May karapatan ka na kasi diwata ka." seryoso naman na wika sa 'kin ni Scarlet.

"Iniisip ko nga 'yan eh. But, I think the first step ay ang kausapin ang hari at reyna patungkol sa plano ko." sagot ko naman.

"They'll do it. As long as it's coming from you." sabi pa ni Liam.

Umiling ako, "I don't think so. The queen might be a hindrance," sagot ko.

"Hindi mangyayari 'yun. Mom may be a queen on this land but dad has the upper hand." iling na wika ni Marco habang sumusubo ng pagkain.

"Kausapin mo rin si supremo patungkol dito para masabi niya sa lahat ng mag-aaral," ani naman ni Alex.

"Why would I? Kung pwede naman na kayo na lang ang magsabi." sagot ko sa kaniya.

"He's the supreme president after all, Samantha. You need his approval kapag patungkol na sa paaralan." ani ni Lucas sa 'kin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Kung gusto mo ako na lang magsabi sa kaniya, Samantha." napalingon ako kay Yumi nang sinabi niya iyon.

"No!" tanggi kaagad ni Phia na ikinakunot ng noo ko.

"You know the rules, Yumi. It should be done in a legal process." dugtong niya pa.

I answer, "But what if it's an emergency? So kailangan talaga natin ng panandalian na proseso."

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now