Chapter 28

380 20 2
                                    

•••𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈- 𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃•••



𝚃𝙷𝙸𝚁𝙳 𝙿𝙴𝚁𝚂𝙾𝙽'𝚂 𝙿𝙾𝚅

Nang mapatay ni Sophia ang kaniyang dating kasintahan na si Danvexille ay nakita iyon ni Kristoff. Inisip ng binata na kaya pala ilag ang dalaga sa kaniya kung magtatanong na siya patungkol sa mga nanliligaw nito dahil may naka-una na pala sa kaniya sa babaeng gusto niya.

"So it's him. The one that she's comparing with me." ani ng binatang si Kristoff sa kaniyang sarili habang pinapanood niya ang pag-uusap ng dalawa sa 'di kalayuan.

Lumakad na siya at saka sa bawat nadadaanan niyang mga kalaban ay mabilis lamang niya itong napapatumba. Lingid sa kaalaman ng iba si Kristoff ay may angking lakas na naiiba talaga sa lahat dahil siya ay isang anak ng diwata. Isang lihim ng kanilang pamilya. Sila na lamang ang natitirang may dugong diwata sa mundo ng Enchanted Kingdom.

Nang makita ni Kristoff na babagsak na si Sophia ay mabilis niyang tinungo ang dalaga.

"It's okay! I'm here." iyon lang ang lumabas sa bibig niya at saka niyakap ang dalaga na bigla na lamang humagulhol sa kaniyang mga bisig.

"I'm sorry." dinig niyang wika ng dalaga sa kaniyang mga bisig. Ngunit hindi siya sumagot dahil hindi niya mawari kung para sa kaniya nga ba ang mga katagang iyon o para sa lalaking kanina'y naglaho.

Sa kabilang dako naman ay si Scarlet na kasalukuyang naglalaban sa marami-raming kalaban na lumapit sa kaniya. Nang bigla na lang siyang nasugatan.

"Argh! Fck you!" aniya habang nakahawak sa braso niyang nasugatan.

She gave that someone a death glared at bigla na lamang itong nagliyab dahil ginamitan niya pala ito ng kaniyang mahika na apoy.

Mabilis na pinatay ni Scarlet ang iba at nang isaksak niya ang kaniyang espada na gawa sa kaniyang kapangyarihan sa huli niyang kalaban ay napalingon siya sa likod niya.

"May gumamit na sa banal na espada? Sino?" ang tanong niya sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang enerhiya ng isang banal ma espada na siyang ginamit ni Sophia sa kaniyang pakikipaglaban.

"Scarlet! Nakita mo si Supremo?" napalingon si Scarlet sa tumawag sa kaniya.

"Why?" aniya.

Hindi alam ng dalaga kung ano na ang uunahin niyang isipin dahil sa ngayon pa lamang niya naalala ang kaniyang mga kapatid.

"Nagpakita na ang anak ng demon king. Kinukutuban ako. Baka siya ang nakipaglaban doon." ani ni Yumi na mababakas talaga ang pag-aalala sa mukha.

Dahil sa sinabi ni Yumi sa kaniya ay kinabahan na siya at kung ano-ano na ang pumasok sa kaniyang isipan.

'Hindi maaaring masaktan ang mga kapatid ko. Ayoko na may mawala sa 'kin sa labanang ito.' ang nasa isip ng dalagang si Scarlet.

Pagkatapos ng sinabi ni Yumi sa kaniya ay mabilis niyang hinila ang dalagang si Yumi saka tinanong.

"Nasa'n ang iba?" aniya.

"Hinahanap ko rin sila eh. We need to stick together para malabanan natin ang mga demon, black shadow at ang kampon ni Ziphora." sagot naman ni Yumi sa kaniya.

"We need to find them as quick as possible. Mom told me na nilusob din ang kaharian ni Ziphora." ang sabi naman niya kay Yumi habang binabaybay nila ang daan patungo sa kaniyang kapatid na si Grey.

"Then we need to call them. Through telepathy." ani ni Yumi.

Bigla silang nahinto sa mabilis na paglalakad at masama na tiningnan ni Scarlet si Yumi.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now