Chapter 24

429 20 0
                                    

•••𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈-𝙵𝙾𝚄𝚁•••




𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅


“You must endure the pain. That way, peace will appear and the war between love and justice are nothing but a mere choice of your journey.” I tilted my head sa kung saan nanggaling ang boses na iyon.

But I found nothing. Ako lang mag-isa at tila nakatayo ako sa gitna nang kalawakan. Malakas ang hangin at nililipad ang buhok ko ng dahil doon.

“Where are you?” tanong ko sa boses na narinig ko.

“Endure the pain… you MUST endure it. Only you, can do it. YOU!” napakunot na ako nang noo kasi hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya.

“Ano ba'ng tinutukoy mo?” patuloy pa rin ako sa paglingon sa paligid. Nagbabakasali na makita ko siya. Isang boses na babae. Kakaibang boses na ngayon ko lang narinig.

“I am YOU. I live beyond YOU that's why you're special.” salita na naman niya.

“What? A-anong pinagsasabi mo?” mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

“Remember… you need to endure the pain. To find peace… and you're the one who's capable to do that.”

Nainis na ako sa kaniya kaya gumamit ako nang kapangyarihan ngunit parang balewala lang ito kasi naglaho lang ito sa parte na may usok na sinamahan pa nang hindi naman kalakasang hangin.

“One must sacrifice, and one must live. Destiny put you together but time will interfere. And you must endure the PAIN.”

“YOU MUST SAMANTHA! Because if you can't… then everyone will be in doom.”

“The time has come!” matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang akong nakarinig ng nakakabinging tunog.

Sinamahan iyon nang biglaang pagsakit ng ulo ko na siyang dahilan kung bakit napadaing ako. Nag-echo sa utak ko ang mga sinabi niya na para bang sirang plaka na nagpa-ulit-ulit sa loob ng ulo ko na siyang dahilan nang pagsakit nito.

“Samantha! Wake up!” napadilat ako bigla sa nagsalita.

Bumungad sa 'kin ang mukha ma'am Aurora. Naghahabol ako nang hininga nang makita ko siya. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni ma'am.

“Are you okay?” tanong niya habang hinihimas ang aking buhok. Dahil sa nabigla pa ako ay hindi ko siya nagawang sagutin.

Nasa'an ako?

“Samantha! Okay ka lang ba?”

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagtanto na nasa klinik na naman ako.

“Samantha!” napapitlag ako at napalingon na kay ma'am Aurora nang niyogyog niya ang aking balikat.

Napatango ako nang wala sa oras pero hindi ko pa rin nagawang magsalita sa harap ni ma'am. Nanunuyo kasi ang lalamunan ko eh.

“Can you please talk?” nahimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses habang nakatingin sa 'kin ng masinsinan.

“I-I'm o-okay.” namaos ang boses ko kaya napahawak ako sa lalamunan ko. Tila nakahinga naman ng maluwag si ma'am matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

“Its okay! Its okay… don't force it.” tatango-tango niyang wika sa 'kin.

Napabaling naman ako sa taong tumikhim. Tinitigan ko lang siya sapagkat napansin kong may nag-iba sa kaniya. Hindi ko lang matukoy kung ano. Nag-bow muna siya pagkatapos ay nagsalita na.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now