𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 03

615 29 0
                                    

...𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴...

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Napasinghap ako ng makita ko ang malutong na sampal ng ina ni Grey sa kaniya.

"Anong kagaguhan na naman ito Grey!" galit na wika ng kaniyang ina.

Sinubukan kong lumapit sa kanila ngunit hinarangan ako ng ama ni Grey kasabay no'n ay hinawakan rin ako ni Scarlet sa balikat kaya napalingon ako sa kaniya. Mataray siyang nakatingin sa 'kin.

"Ma let me expl---" isang sampal na naman ang nakuha ni Grey mula sa kaniyang ina.

"Enough!" galit kong wika sa kanila.

"Shut up! Kahit pa prinsesa ka ng mga diwata ay wag mo akong pipigilan sa gagawin ko sa anak ko!" pinanlakihan ako ng mga mata ng ina ni Grey ng sinabi niya iyon sa 'kin.

"Mama!" mapagbanta rin na wika ni Grey.

Galit kong itinakwil ang kamay na ni Scarlet na nakahawak sa braso ko.

"Wala pong ibig sabihin ang nakita ninyo! Hindi n'yo po alam ang buong pangyayari kaya wag n'yo kaagad husgahan ang tao!" inis ko ring wika sa ina ni Grey.

"At hindi ko po ipinagmamalaki na prinsesa ako ng mga diwata kaya pwede niyo po akong tratuhin sa kung anong gusto ninyo. Basta ba ibabalik ko lang din sa inyo ang ginawa niyo sa 'kin." dugtong ko pa.

"Samantha!" suway naman ni Grey sa 'kin.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong naman ng ama ni supremo.

Binalingan ko siya ng tingin. Mabilis kong binuksan ang butones ng aking suot na damit. Kapwa napatalikod kaagad si Supremo at ang kaniyang ama sa ginawa ko.

"What are doing, Sam?" nahimigan ko ang inis sa boses ni Scarlet. Mabilis kong ipinakita sa kanila ang tattoo sa aking dibdib.

"This is the reason! Tingnan niyo ang dibdib ng anak ninyo." galit kong wika sa kanila.

"A-ano ba 'yan?" utal na tanong sa 'kin ng kanilang ina.

"Ayon kay ma'am Aurora ay palatandaan ko raw ito sa pagiging diwata ko. Namana ko raw 'to sa sinaunang diwata na nasa katawan ko na ngayon 'yung kaluluwa. Reincarnation gano'n." paliwanag ko.

Dahan-dahan na lumingon ang si Supremo at ang ama niya sa 'kin. Malayo lang naman sa boobs ko ang tattoo. Nasa dibdib ko lang naman ito kaya safe lang na tingnan nila.

Nakita ko na nilapitan ni Scarlet si Grey at tiningnan ang kaniyang dibdib.

"What the f! How is it possible? Kuya wala kang ganiyan noon 'di ba?" hindi niya makapaniwalang tanong kay Grey. Umiling naman kaagad si Grey habang seryoso pa rin na nakatingin sa tattoo sa dibdib ko.

Kung 'yung sa 'kin nagbago na naging crown no'ng birthday ko. Ngayon naman kay Grey ay korona rin siya pero panglalaki siya. At 'yun ang hindi ko maintindihan kung bakit may gano'n din siya sa katawan niya sa parehong posisyon kung saan nakalagay ang akin.

****

Nandito na ako ngayon sa unit namin ni Julia. Matapos ang naganap kanina ay nag sorry naman kaagad ang mommy ni Grey. But hindi pa rin mawala sa isipan ko kung ano nga bang purpose no'n at magkaparehas kami.

Naalala ko bigla ang banal na libro. Hawak ko na ito ngayon kasi nga ako raw ang nagmamay-ari no'n at tanging ako lang raw ang nakakabukas no'n.

Ang sabi pa ni ma'am Aurora ang purpose raw kung bakit nahahawakan ng iba ang libro no'ng araw na 'yun ay marahil may parte sila sa libro na ang libro lang ang nakakaalam.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن