Chapter 22

374 18 1
                                    

•••TWENTY-TWO•••



Samantha's POV

"Papatayin kita. Hanggat hindi mo hahanapin ang pumatay kay Josh! Hindi kita titigilan kahit pa isa kang diwata. Isang diwatang mahina!"

Napa-angat ako ng tingin. Doon ko nakita ang kakaibang aura na lumabas kay Fey.

She's burning in anger, again...

"Fey please stop this sh-- Ughhh!" nanlaki ang mata ko sa pagtilapon ni Rex. Binalingan ko naman nang tingin si Grey at nakaluhod na siya ngayon habang nasa loob ng isang malaking bula.

Dahil sa nakita ko ay masama ko siyang tiningnan. Hinahamon niya ako. Hinahamon niya ang isang mahinang diwata.

"Pakawalan mo sila at tayong dalawa ang magtutuos." kahit namaos ang boses ko ay nasabi ko iyon sa kaniya ng tuwid habang tumatayo rin mula sa pagkakahandusay.

Tumawa naman siya ng mapakla. "Hindi ako bobo kaya wag mo akong gawing bobo."

Matapos niyang sabihin iyon ay nagpakawala siya ng isang malakas na tira mula sa kaniyang kamy gamit ang kaniyang water power. Nailagan ko naman iyon at mabilis na nilapitan si Supremo na nakakulong pa rin sa malaking bula.

Wala akong inaksaya na oras at kaagad na ginamit ang aking kakayahan upang makawala si supremo sa malaking bula na nagawa ko naman kaagad sa tulong ng aking apoy na kapangyarihan.

Nasalo ko naman kaagad siya at ramdam ko ang paghingal niya nang makalabas siya. Bumulong ako sa kaniya.

"Are you okay?" tumango naman siya at saka na tumayo ng tuwid.

I know na madali lang para kay Grey na kumawala sa bagay na iyon but inunahan ko na siya kasi nga galing pa siyang klinik.

Nang makatayo siya ay mabilis niya akong niyakap at ramdam ko ang lamig ng kaniyang kapangyarihan na dumaloy sa buong katawan ko. Doon nawala ang aking pagkaka-uhaw at bumalik na ako sa normal.

Ang hindi ko alam ay panay tigil na pala si supremo sa mga atake ni Fey sa 'kin sa likod habang yakap niya ako. Nalaman ko na lang no'ng mabilis akong kumalas sa mga yakap niya.

Lalabanan ko na sana si Fey nang bigla na lang akong hinila ni supremo papunta sa likod niya. Sa bilis nang pangyayari ay hindi na ako nakapagreklamo pa sa kaniya. Nilabanan niya si Fey na halatang nahihirapan din sa mga atake ni supremo.

Wala akong nagawa kundi ang tingnan sila kaya naman minabuti ko na lang na puntahan si Rex at tingnan kasi mukhang nawalan siya ng malay kasi nakahandusay lamang siya sa sahig.

May mga estudyante na rin na nakikinuod lang habang ang iba naman ay tumutulong. Ngunit sadyang lumakas ata si Fey dahil hindi na siya naaawat ng basta-basta ngayon. Nagawa nga niyang ikulong ang supremo sa kaniyang kapangyarihan eh. Ibig sabihin may angking lakas talaga siyang tinatago at ngayon niya lang inilabas.

"Rex!" niyugyog ko siya para magising. At hindi naman nagtagal ay nagising na rin siya.

Dumudugo ng bahagya ang ulo niya na ikinabahala ko. Minsan ko lang siyang makitang dumudugo ang ulo at hindi maganda ang kutob ko nito. Nagagalit siya kapag may dugo siyang nakikita mula sa ulo niya o sa mukha niya. Iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya.

"Rex..." tawag ko sa kaniya nang tumayo lang siya ng may galit sa mukha. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit pinatahimik niya lang ako.

"Wag kang makialam dito. Lumayo ka at nang hindi ka mapahamak." puno ng awtoridad ang boses niya. Galit nga talaga siya.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon