𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 14

398 23 0
                                    

•••𝙵𝙾𝚄𝚁𝚃𝙴𝙴𝙽•••


𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Nagising na naman ako sa hindi ko kilalang kwarto. Ano ba naman ang bago, sadyang himatayin lang talaga siguro ako o ano? Pero hindi naman ako nahimatay no'ng sumabog ang halimaw na 'yun eh. Si Grey? Kailangan kong makita si Grey.

Aalis na sana ako sa kama ng biglamg bumukas ang pintuan kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Sophia at saglit pang nagtama ang mga mata namin bago niya isinara muli ang pinto. Narinig ko ang pagtakbo niya at ang pag-alingawngaw sa boses niya sa buong bahay.

”Si Samantha, gising na!” pagkatapos ay nakarinig na naman ako ng mga yapak ng paa papunta sa kwarto.

Nakita ko ang sunod-sunod na pagpasok ni Sophia, Kristoff at ma'am Aurora. Napangiti ako ng napakalapad ng nasa harapan ko na sila.

Hindi ako nagdalawang-isip na yakapin si Ma'am Aurora. Nag-unahan na namang tumulo ang aking mga luha sa hindi ko malamang dahilan. Nagawa ko… nailigtas ko sila.

Naramdaman ko ang paghagod ni ma'am sa aking likod. ”Okay ka lang ba? Ba't ka umiiyak?” nahimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Nang kumalas si ma'am Aurora sa pagkakayakap sa 'kin ay sunod ko namang niyakap ng sabay si Kristoff at Sophia na nabigla pa sa aking ginawa. Mas lalo na namang lumakas ang aking pag-iyak ng ginawa ko iyon sa kanila.

”Ah… Sam?

”Your highness…”

”Salamat naman at ligtas kayo…” ang naisagot ko sa kanilang dalawa. Kumalas naman kaagad ako ng yakap sa kanila kasi baka naiilang na sa'kin si Kristoff. 'Di pa naman kami close nito.

Pinupunasan ko ang luha ko ng tanungin ako ni Sophia. ”Okay ka lang ba? 'Kagulat ka naman. Ba't ka ba umiiyak?” nahimigan ko rin ang pag-aalala sa kaniyang boses na ikinangiti ko. Mukha na siguro akong baliw sa paningin nila.

Umiling ako, ”Asan si Sup---” hindi ko pa nga natapos ang sinasabi ko nang makita ko si supremo na kakapasok lang sa pintuan.

Nagtama kaagad ang mga mata namin. Napangiti ako nang makita ko siya. Bahala na kung anong iisipin nila. Basta masaya ako na naligtas ko sila. Lalo na 'siya', ang bagong buhay ko.

”Uhmm… Phia? Kristoff? Kakausapin ko muna kayo saglit.” napalingon ako kay ma'am Aurora nang sinabi niya iyon sa dalawa.

Nakita ko ang pangungunot ng noo ni Sophia. ”Huh? Anong pag-uu--”

”Tungkol sa 'ting dalawa raw.” seryoso naman na sagot ni Kristoff.

”Anong sa 'ting dalawa?” sabi pa ni Phia.

”Phia naman magmamaang-maangan pa. Dali na! Do'n sa labas!” kahit na hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila ay nakangiti pa rin ako kasi ang saya nilang tingnan eh.

Nang makalabas sila ay saka pa lamang lumapit sa 'kin si Supremo. Seryoso lang ang mukha niya habang ako… nakangiti pa rin na parang nasisiraan na ng bait. Mga ilang segundo niya akong tinitigan habang may masamang tingin sa 'kin.

Hinayaan ko lang siya kasi baka na miss niya lang ang mukha ko. Umupo siya sa kama at walang pasabing hinawakan ang aking noo. Chini-check niya siguro kung may lagnat ba ako o wala.

”Grey…” masaya kong tawag sa kaniya ngunit hindi pa rin nagbago ang mukha niya. Nanatili pa rin itong galit sa 'kin.

May nagawa ba kong mali o kasalanan sa kaniya?

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now