Chapter 23

363 21 0
                                    

•••TWENTY-THREE•••



Sophia's POV

Papunta ako sa office ni supremo nang malaman kong wala pala siya doon sa office niya. Hihingin ko na sana ang papeles na pinapatapos ni principal Gil sa kaniya eh ngunit nalaman ko na lang na nasa klinik daw siya.

“Ohh! Alex.” aniko nang makasalubong ko si Alex na hinihingal.

“Nasaan si Ate Red?” nagmamadali niyang tanong. Napakunot na ang noo ko sa kaniyang inaakto.

“Bakit? May pasok ata si Ate Red mo eh.” sagot ko naman sa kaniya.

“Si ano… si ano kasi eh!” hinihingal niyang sambit.

“Anong ano? Ituloy mo naman?” may halong inis kong turan sa kaniya.

“Kailangan siya nina Kuya Grey. Nagwawala na naman kasi si Fey eh! But this time she used her overall power, I guess.” mahabang paliwanag sa 'kin ni Alex.

“A-ano?” hinila niya ako bigla tsaka kami nagmadaling tumakbo.

Malayo pa lang kami sa lugar na pinangyarihan ay tanaw na tanaw ko na ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa paligid nito at ang bahagyang pag-ilaw nang paligid sign na may naglalaban talaga.

Kaya pala hinahanap ni Alex si Scarlet kasi siya lang ang makakapigil kay Fey through stopping her movements. As in gagawin siyang statue. Nagkakagulo na ang lahat. Ang iba pa nga ay tumutulong ngunit tumitilapon  lang sila dahil sa lakas nang kapangyarihan na inilalabas ni Fey.

I never seen her like this before. For her whole life siguro ni katiting ay hindi ko siya nakitang sumama o maki-tambay sa ibang lalake maliban sa long time partner niya na si Josh.

Kaya siguro ganiyan na lamang siya kung magalit. She can't accept the fact na wala na talaga ang boyfriend niya and is never coming back kahit pa magwala siya nang magwala nang paulit-ulit dito sa paaralan.

Makikisali na sana ako at nakahanda na ang kapangyarihan sa kamay ko but then I stopped nang makita ang ginawa ni Sam. She mastered the barrier level, while us… still struggling. Hindi man ako nakapaniwala no'ng una pero kalauna'y natanggap ko rin kasi nga isa na siyang diwata ngayon at magkaiba kami ng pagkatao.

Nilapitan ko si Supremo kasi hanggang ngayon ay nakahawak siya sa kaniyang tagiliran kaya medyo nag-alala ako kasi naalala ko na dinala pala siya sa klinik kanina lang din.

“Mr. Pres.? Okay ka lang ba?” tumango naman siya kaagad sa sinabi ko.

“Akala ko ba binantayan niyo siya? Why is she running wild right now again?” galit iyong sinabi ni Grey sa 'kin.

Napakunot naman ang noo ko. “I-it's not me.  Yasmen told me na tinawag daw ako ni principal Gil that's why she volunteered na pumalit sa 'kin.” paliwanag ko sa kaniya.

“Yasmen?” pabulong niyang wika.

“Yes…”

“Then where the fck is Scarlet? Liam? Andiyan naman sila eh! You should have handle her! Look what just happened? Dapat hindi niyo na pinagkakatiwalaan ang Yasmen na 'yan.” galit pa rin ang expression niya nang sinabi niya ang mga katagang iyon sa 'kin.

Hindi ako makasagot kasi nga kasalanan ko rin naman. I'm his secretary yet I disobey his order as a supreme president in this school.

Lumingon na lang uli ako sa naglalaban nang Samantha at Fey at hindi na muna inabala pa ang pinag-awayan namin ni Grey kasi nangyari na eh. And it's not worth it to fight with that matter kasi wala rin naman patutunguhan kung magsisisihan lang kami.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now