𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 19

369 18 0
                                    

•••𝙽𝙸𝙽𝙴𝚃𝙴𝙴𝙽•••



𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

“Are you okay now?” napabuntong hininga ako at saka napalingon sa direksyon niya.

“Pang-ilan na po ba 'yan ma'am Aurora?” may inis na sa tono ko nang sinabi ko iyon sa kaniya.

“Gusto ko lang makasiguro. Bukas na bukas sisimulan na kaya natin ang pag-eensayo mo. Ayoko lang na, may iniinda kang sakit kasi nakakasagabal lang 'yun sa pagtuturo ko sa 'yo.” maikli lang naman ang inaasahan kong sagot sa kaniya ngunit napahaba pa ata.

Hindi ko naman kailangan ang paliwanag niya eh.

“Sumakit lang naman ang ulo ko. Paano naman iyon makakasagabal sa pag-eensayo?” pagdadahilan ko naman sa kaniya.

”Aray!” napadaing ako nang kinutusan niya ako. Masakit nga ulo ko ta's kinutusan pa!

”You can't focus on anything kapag sumakit ng ganiyan ang ulo mo! Nagdadahilan ka pa eh!” usal niya sa 'kin.

Hinimas ko naman ang ulo ko sa ginawa niya. ”Oo na po. Yes Master.” I sarcastically said.

Masama naman niya akong tiningnan, ”Samantha… umayos ka huh! 'Di pa nga tayo nagsisimula nagmamatigas ka na!” hindi na lang ako sumagot sa kaniya kasi baka mapahaba pa ang pagbabangayan naming dalawa.

Bumuntong hininga ako, ”Wala pa ring nakasulat sa sunod na pahina ng libro. Sigurado ka bang nakasulat doon ang talambuhay ko?” mabilis na umiwas ng tingin sa 'kin si Ma'am Aurora nang tinanong ko siya sa bagay na iyon.

Sa tingin ko ay may kinalaman ang mga ala-alang iyon sa pagkatao ko. O 'di kaya naman ay sa libro.

”M-malapit na 'yan. M-maghintay ka lang.” matapos niyang sabihin 'yun ay tumayo na siya.

”Baka naman po niloloko niyo lang ak---”

”Samantha naman, magpokus ka na lang sa pagpapagaling mo! Wag 'yung sinasabihan mo ako ng mga ganiyan.” inis niyang wika pagkatapos ay naglakad na paalis sa kwarto.

”Nagtatanong lang eh.” bulalas ko na lang sa ere habang hinihimas ang aking ulo.

•••~♦~•••

”Do it properly Samantha!”

”Yes ma'am…” sarcastic na sagot ko kay ma'am Aurora.

Hindi ko alam pero hindi ko naiiwasang tratuhin ng ganiyan si ma'am. Kapag kasi siya na ang kasama ko ay ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya na para bang kaibigan ko lang siya.

Nandito na kami ngayon sa training room niya at sinasanay na niya ako. Medyo na sanay na rin ang kamay ko sa paghawak ng espada. Ngayon ko lang napagtanto na kapag nasanay ka na ay hindi pala talaga ito mabigat kapag hinahawakan mo.

”Umayos ka Samantha!” pagbabanta na naman niya sa 'kin. Hindi na lang ako sumagot at sinunod na lang ang mga itinuro niya sa 'kin.

”Ganiyan nga. Okay! Malapit mo nang ma-master iyan. Magaling!” papuri niya sa 'kin.

Bigla siyang natahimik at nagitla saglit kaya naman ay nagtaka ako sa kaniya.

”Ma'am? Okay lang po ba kayo?” aniko.

”Huh? Ah… Oo, aalis lang ako saglit huh. Ipagpatuloy mo 'yan. Babalik ako.” sunod-sunod niyang wika habang nagmamadaling umalis.

Na-curious man ako kung saan siya pupunta ay iniling ko na lamang iyon at nagpatuloy na sa pag-eensayo.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now