Chapter 1 Enchanted

18.5K 506 147
                                    

"Sometimes the one thing you are looking for is the one thing you can't see."


Yhael POV


"What the fuck?" Mahinang mura ko habang binabasa ang note sa ATM ng ipinasok ko ang isa sa mga cards ko.

My card is blocked!

Kinakabahang kinuha ko ang isa pang ATM card ko mula sa ibang bangko at ito naman ang sinubukan ko. Ngunit gano'n din! At maging ang isa pang ATM card ko. Damn!

"Miss, tapos ka na ba?" Tanong ng may katandaan ng babae sa likuran ko, nakapila rin para mag-withdraw sa ATM. "Pwedeng pakibilisan naman?"

Shit. Wala akong nagawa kundi umalis sa harapan ng machine at bagsak ang mga balikat na naglakad sa gilid. He blocked all of my cards! Para ano? Para bumalik ako? No, ayokong bumalik sa bahay niya. Ngayon lang ako naging malaya!

But I need money. Napatingin ako sa wallet ko. Argh! Isang hundred peso bill at fifty peso bill na lang ang natitira. What should I do?

Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ito. Dumagdag pa ang gutom ko sa mga iniisip ko. Kung alam ko lang na kayang-kaya niyang gawin ito sa akin ay nai-withdraw ko na lang sana lahat ang laman nito.

Paano na ako ngayon?

Naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada hoping na may mahanap na sagot sa problema ko. Nakapasok ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot na jogger pants habang nakatungong naglalakad. May mga nakakasalubong ako, ang iba ay aksidente ko pang nasasagi ang mga balikat o ako ang nasasagi nila pero hindi ko iyon inalintana. My mind is going in circles right now.

Tunog ng door chime ang nagpatigil sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa medyo tinted na glass wall.

"Excuse me."

"Oh, sorry." Mabilis akong gumilid ng may mga taong papasok sa loob ng resto-bar.

Napabuntong-hininga ako sabay magbabaling na lang sana ng tingin sa ibang direksyon ng maagaw ng pansin ko ang isang announcement na nakapaskil sa glass wall. Mabagal akong naglakad papalapit dito para tignan.

We're Hiring! 

Binasa ko kung ano ang kailangan nila. Kailangan nila ng isang bartender. Gosh, wala akong experience sa bartending. Pero marunong akong maglasing. Is that good? Pwede na ba itong qualification? Argh!

I guess I'll just try my luck. I need money so...

Pumasok ako sa loob ng resto-bar. Walang masyadong customers. Isa pa, tapos na ang pananghalian kaya siguro wala ng masyadong tao sa loob. Napatingin ako sa bar counter. May isang magandang babae doon na siguro nauna lang ng dalawa o tatlong taon sa akin. Matangkad ito, maputi at dirty blonde ang kulay ng buhok. Mga tipong habulin. Abala itong nagpupunas ng wine glasses.

"Hi." Tipid na bati ko para maagaw ko ang kanyang atensyon.

Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa at awtomatikong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. She has blue eyes. She looks... extra gorgeous.

"Hi!" Masigla nitong bati. "What are you having?"

"No, I'm not here to dine," I replied.

"Oh, we're not open for drinks yet." Saad niya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Parang madali lang naman yata ang trabaho kung sakali. "Balik ka na lang after six."

"Uhm," Napatikhim ako. "I'm looking for a job."

Natigilan siya sa ginagawa saka napatingin sa akin ng mataman. Hinagod ako nito ng tingin. Naagaw lang ng pansin ko ng may lumabas na matabang lalake mula sa pinto, siguro patungo ito sa caterer's kitchen.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now