Chapter 31 Cruel Summer

6.1K 435 327
                                    

"Somehow you are both the best and the worst thing that has happened to me."


Yhael POV


"I'm engaged."

Ilang beses ko ba itong binalikang basahin? Pero gano'n pa rin 'yong sakit na nararamdaman ko like it's the first time I read it. Mabilis kong pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata at huminga ng napakalalim.

Tumayo ako mula sa kinauupuan, sa sahig pasandal sa paanan ng kama at nagpasyang lumabas ng hotel room ko.

Nag-text lang ako kay Devone at sinabing lalabas lang ako saglit. Wala akong nakuhang reply mula sa kanya. Siguro abala na sila ni Dominique sa sarili nilang kuwarto. Halos kagagaling lang namin sa mall ng makatanggap ako ng chat mula kay Huxley telling me she's already set to marry the man she doesn't love. End of the fourth month daw gaganapin ang kanilang kasal para mabango pa sa madla. Election the following month so...

Nagtungo ako sa labas ng hotel at naglakad-lakad sa gilid ng kalsada. Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko. Panay ang pagbuga ko ng hininga para kalmahin ang sariling damdamin. May nakita akong bar at pumasok doon. Ang ingay sa loob. Ang dami ng tao. Tumuloy ako sa bar counter.

Mag-oorder na sana ako ng maiinom ng mapansin ang babaeng nasa likod nito. Akala ko noong una ay si Ryleigh ang nakita ko. Ilang beses pa nga akong napakurap-kurap just to be sure na hindi siya ito.

"What are you having?" Tanong nito sa akin.

Napatingin ako sa nameplate na nasa ikaliwang dibdib niya. Asher. Mata, buhok, pati na ang built ng katawan at tangkad nito para talagang si Ryle. Kung di lang siguro mas mabait ang mukha nito ay mapagkakamalan kong kakambal niya. Pero maloko tignan si Ryleigh kumpara dito. Tipong tingin pa lang playgirl na. Ito mabait tsaka 'yong ngiti totoo talaga hindi gaya kay Ryle na ngisi.

"Martini please." Namamalikmata pa ring sagot ko.

Inihanda na niya ang order ko at palihim ko itong kinuhanan ng picture saka sinend kay Ryle saying na may nakita akong kamukha niya.

May ngiting ibinigay niya sa akin ang order ko. May lumapit sa kanyang isang matangkad at maganda ring babae. Itim ang nakapusod na buhok niya at may suot ng singsing sa daliri sa kaliwang kamay.

"O, kumusta ka dito?" Tanong nito sa nagngangalang Asher.

"I'm fine, Harper." Sagot nito sa babaeng nagtanong. "Don't worry, kaya ko 'no!" Saka ngumisi. "I will never break a glass again, I promise."

Natatawang tinapik lang siya nito sa balikat bago umalis.

Halos hindi ko pa nauubos 'yong order ko ng mag-vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa ng leather jacket na suot ko. Inilabas ko ito para tignan. Si Devone... tumatawag. Hindi ko ito sinagot dahil tiyak na hindi rin naman kami magkakarinigan. Maya-maya ay nag-text siya.

Fr:사랑

Where are you?

                                                                 Outside the hotel. Nagpahangin lang.

Don't stay up too late.


Hindi na ako nag-reply pa. Um-order ulit ako ng isa pa bago nagpasyang umalis na. Seen lang ni Ryle ang chat ko sa kanya. Haist.

Imbes na bumalik sa hotel ay nanood muna ako ng dancing fountain. Iniisip ko na baka sakaling pagdating ko sa hotel room ko ay matutulog na lang ako dahil sa pagod.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now