Chapter 33 The Joker and the Queen

6.1K 395 130
                                    

"I miss someone who isn't mine to miss. I dream about someone who isn't mine to dream about. I love someone who isn't mine to love."


Yhael POV


"Here."

Sabay lapag ni Devone ng gatas sa ibabaw ng study table sa tabi ko habang abala akong nagsusulat ng pointers na gagawin kong reviewer. Sa wakas ay nakahiram na rin ako ng mga libro sa library.

"Thank you, love." Sabay nag-angat ng tingin sa kanya.

Saglit akong nag-inat. Sumasakit na yata ang likod ko. Napatingin ako sa kanya habang tinitignan niya ang mga sinulat ko.

"That's good." Komento niya. "You're making your own study aids."

"Gusto ko kasing makakuha ng ninety percent average scores sa lahat ng tests ko next week." Nakangiting sagot ko.

Napatingin siya sa akin. "Alright." Bigkas niya. "I'll leave you so you can concentrate."

"Teka lang." Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinila hanggang sa napaupo siya sa mga hita ko. "Huwag ka munang umalis." Paglalambing ko sa kanya. "Ilang araw kang mawawala e. Mami-miss kita."

"Four days lang naman kaming aalis ni Dom." Sabi niya.

Napalabi ako. "Kahit na. Parang ilang buwan na ang katumbas no'n para sa akin."

Napatingin siya sa akin. "Ayaw mo no'n? You have enough time to review, and a higher chance to achieve your goal."

"Gusto mo ba akong makakuha ng ninety percent average scores?" Tanong ko.

"Yeah." Mabilis niyang sagot. "Yhael, I'm not doing this for nothing. I'm helping you." Saad niya. "Just think of your reward as your bonus if ever you achieved the ninety percent average. This is for your future."

"Alam ko." Sagot ko. "Tsaka future ng baby ko."

Napakunot-noo siya sa sinabi ko.

Napangisi ako sa kanya. "Future ni baby Yhael."

Napatirik ang kanyang mga mata. "Such a flirt!"

Niyakap ko siya. "Sayo lang naman -"

"Liar."

"Sino?"

"Ikaw." Mabilis niyang sagot.

"Kailan ba ako nagsinungaling sayo?" Hamon ko sa kanya. Hindi siya nakasagot. "Di ba wala kang masagot?"

Huminga siya ng malalim. "I have to go to my room." Saka pilit umaalis sa kandungan ko pero hindi ko siya pinapakawalan. "Yhael."

"Stay a little longer, please?" Hiling ko. "Or sleep here again."

"I can't." Sagot niya. "Dom will sleep in my room tonight."

Napabuntong-hininga na lang ako saka siya pinakawalan. "Fine." May hinampong sabi ko. "You can go. Ganyan ka naman palagi. Sige, umalis ka na. Sanay naman akong iniiwan. Sino ba naman kasi ako, di ba? Isang hamak lang naman na magandang-poging magaling mag-basketball. Your MVP lang naman. A female heartthrob sa school at iniiyakan ng mga bakla. Sekretong ninanakawan ng halik ng mga babae at pinagnanasaan ng mga bading. Haist, sige na umalis ka na -"

Natigilan ako sa pag-eemote ng itinuktok niya sa ulo ko ang notebook na sinusulatan ko.

"Devone!" Nakalabing saway ko.

"Sinong mga babae 'yan?" Lukot ang mukhang tanong niya.

"Wala!" Mabilis kong sagot.

"Saan ba nahuhuli ang isda? Hindi ba sa bibig mismo?" Katwiran niya may kasama pang irap.

Destined To Be YoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя