Chapter 2 Bejeweled

9.3K 556 218
                                    

"I can control my destiny, but not my fate. Destiny means there is to turn right or left, but fate is a one-way street. We all have the choice as to whether we fulfill our destiny, but our fate is sealed."


Yhael POV


Pupungas-pungas na bumangon ako ng sumunod na umaga. Ang sakit ng katawan ko, lalo na ang bandang likod, ang bigat. Pakiramdam ko magkakasakit yata ako. Paano, ang tigas ng sahig. Haist, first time kong matulog sa sahig!

Dahil sa naisip, awtomatiko akong napatingin sa pang-isahang kama. Tulog na tulog pa rin ang babaeng tinulungan ko kagabi. Hindi kaya ito nangawit? Parang hindi man lang yata gumalaw sa higaan. Kung ano ang ayos ng kumot noong kinumutan ko siya hanggang dibdib kagabi ay iyon pa rin.

Kahit tinatamad ay bumangon na ako. Iniligpit ko lang sandali ang hinigaan at inilagay sa ibabaw ng kaisa-isahang hindi naman kahabaang sofa sa pinakasala ng studio type na apartment na nakuha ko.

Open space ito. Connecting ang living room, kitchen at ang bed space. May maliit itong banyo. CR at standing shower na may smoked glass lang na partition. May ilang gamit na iniwan ng dating nagbo-board dito na siyang pansamantalang ginagamit ko. May stove, mesa na may kasamang dalawang silya, 'yong single bed at heto nga, sofa na maliit. My ilang kitchen utensils na rin. Pero 'yong kutsara at tinidor tsaka baso, itinapon ko. Bumili ako noon ng bago kasama ng iba pang magagamit ko. Hindi ako kakasya sa sofa kaya sa sahig ako natulog kagabi, sa tabi ng kama.

Lumabas lang ako sandali pagkatapos kong makapaghilamos at mag-toothbrush para bumili ng pandesal at instant coffee. Malapit ang apartment ko sa bakery at main streets kaya dito ko pinili. Malapit din ito sa school, walking distance lang. At tignan mo nga naman, malapit din ito sa resto-bar kung saan ako nagtatrabaho. Makaka-save ako ng pamasahe.

Tulog pa ang naturang babae ng makabalik ako ng apartment. Napatingin ako sa orasan sa dingding. Nine thirty-four na pala ng umaga.

Iniligpit ko muna 'yong kalat habang nagpapainit ako ng tubig. Napatingin ako sa enrolment form na nasa ibabaw ng bedside table. Hindi ko pa pala ito tapos masulatan. Aasikasuhin ko ito ngayong araw. Kukunin ko kung anong strand ko gusto ng walang pipigil sa akin. Ah, bahala na!

Tahimik na dinampot ko ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa ng tumunog ang message alert tone ko. It's my sister. Tinatanong niya kung okay lang ba ako, maayos ba ang kalagayan ko. Na kung pwede ay umuwi na ako.

Napabuntong-hininga ako sabay muling ibinaba ito sa ibabaw ng mesa. Siya namang pagtunog ng pinapainit kong tubig. Mabilis ko itong nilapitan at in-off ang stove. Makapag-kape na nga lang.

Kakaupo ko lang sa harapan ng mesa ng marinig ang pag-ungol no'ng babae. Saglit ko lang itong tinapunan ng pansin.

"Aray." Mahinang daing nito habang nakahawak sa ulo. Nakapikit pa rin. "My head hurts."

Napaangat ang gilid ng labi ko sa narinig. Ikaw ba naman ang maglasing kagabi, sino ang di sasakit ang ulo kinabukasan.

Nakapikit itong bumangon sa kama. Napakunot-noo ako at natigilan sa pagnguya ng pandesal na nasa loob ng bibig ko ng mapansing para itong may kinakapa sa dingding. Hanggang sa...

Malakas na kalabog sa sahig ang narinig.

"Ouch!" Malakas na daing niya habang nakaupo sa sahig hawak-hawak ang nasaktang pang-upo. Dala pa nito ang kumot. Tuluyan na itong nagising.

Iginala niya ang paningin hanggang sa mapadako ito sa gawi ko. Kitang-kita ang pagkagulat at pagtataka sa kanyang medyo singkit na mga mata ng makita ako.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now