Chapter 47 A Perfectly Good Heart

6.9K 388 311
                                    

"My friends, love is better than anger. Hope is better than fear. Optimism is better than despair. So let us be loving, hopeful, and optimistic."


Yhael POV


"I'll be very busy starting today."

Narinig kong saad ni Devone habang ipina-park ko ang sasakyan sa parking area ng pumasok kami sa school kinabukasan.

"Okay." Sagot ko. "Ako din. Mag-peprepare kami sa bar mamayang gabi." Saad ko. "Pero ihahatid muna kita sa bahay mamaya bago ako pupunta ng bar."

"Has Ryle already resigned from the bar?" Pagkokumpirma niya.

"Yes." Tugon ko habang inaabot ang mga folders niya sa backseat. "Ihahatid na kita sa office mo."

Nauna akong lumabas ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan ko din siyang makababa ng sasakyan pagkatapos.

"Good morning, Miss Davis." Bati sa kanya ng mga guards at estudyanteng nakapila sa gate.

"Good morning." May tipid na ngiting bati rin niya sa mga ito.

Kailan kaya niya gagamitin ang apelyido ko? Haist... ang sarap sigurong pakinggan kapag binabati na siya ng mga ito ng... 'Good morning, Mrs. Lucas.' o kaya naman ay, 'Have a great day, Mrs. Lucas.'

When?

Nakasalubong namin papuntang admin building si Coach Uno. Binati niya agad si Devone ng sandali kaming tumigil saka nagbaling sa akin.

"O, Lucas sa susunod na Sabado na ang practice. Ayos ka na ba?" Tanong ni Coach Uno sa akin.

"Yes, coach." Sagot ko. "Naka-condition 'to." Saka napangisi.

"Mabuti naman kung gano'n." Sabay tinapik ako nito sa braso. "Kating-kati na ang mga fans mong makita ka sa court." Biro niya. "Lalo na 'yong mga babae, hay naku!" Kunwaring stress niyang sambit. "Kulang na lang pasabugin ang notifications ang page natin sa kakatanong nila tungkol sayo!"

Napakamot ako sa batok. "Si coach talaga o, palabiro."

Natawa lang naman siya. Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami ni Devone sa kanya.

"Fans, huh?" Narinig kong komento niya ng paakyat na kami ng hagdan patungo sa floor niya.

Napapalatak ako. "Huwag ka ng magselos."

Napa-eye roll siya. "The confidence, Lucas."  Mataray niyang komento saka ako inirapan.

Napangiwi na lang ako. "Kasalanan ko ba kung ipinanganak akong magandang-pogi?"

"Ang yabang talaga." Napapailing-iling na komento ulit niya.

Nakasalubong namin si Sofie na pababa ng hagdanan.

"Good morning, Miss Davis." May ngiting bati niya sa asawa ko. "Your meeting with the caterer will be at ten, ma'am." Paalala niya.

"Yes, thank you, Sofie." May tipid na ngiting tugon ni Devone. "And good morning."

"Good morning, Miss Sofie." Nakangiting bati ko dito.

Ngumiti ng malawak sa akin si Miss Sofie. "Good morning." Sabay nag-ipit ng buhok sa likod ng tainga.

Tutugon pa sana si Sofie pero natigilan siya ng impit akong umaray dahil 'hindi' sinasadyang nasiko ako ni Devone sa gitna ng dibdib. Pasimpleng selosa din 'to e!

"Oh, akala ko kasi pader." May pilit na ngiting sabi niya. "Alright, Sofie." Baling niya sa assistant. "I'll see you in the stadium later." Cue na 'yon ni Devone para magpatuloy kami sa pag-akyat ng hagdanan.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now