Chapter 26 Miss Americana & the Heartbreak Prince

6.2K 428 187
                                    

"To be brave is to love someone unconditionally, without expecting anything in return."


Yhael POV


"Where are you going?" Tanong ni Devone sa akin ng makita akong bihis na bihis at palabas na ng pinto.

Oo nga pala, nakalimutan kong magpaalam sa kanya. Nasanay kasi akong ako lang mag-isa at hindi na kailangang magpaalam kapag may pupuntahan.

"Nangako kasi ako kay Chantal na sasamahan siya sa animal shelter ngayong Sabado." Sabi ko. "Sorry nakalimutan kong magpaalam. Sige aalis na ako." At naglakad na patungong pinto.

"And who says you're going?"

Natigilan ako sa paglabas sa pinto ng marinig ang sinabi niya. Seryoso ang mukha niya habang nakahalukipkip na nakatayo sa paanan ng hagdanan. Nasa isang paa ang bigat.

Muli akong pumihit paharap sa kanya. "Love naman, promise sayo lang ako uuwi." Saka ngumisi.

Napa-eye roll siya. "You promised to help with the chores." Saad niya. "It's Saturday, you should be washing your clothes."

Napakamot ako sa batok. "Promise maglalaba ako bukas. Kahit pati na 'yong sayo."

"That's not my point, Yhael." Mas lalo ng pumormal ang mukha niya.

Sasagot na sana ako ng makarinig ng busina mula sa labas ng gate. Napatingin ako doon. Si Chantal, nasa labas na naghihintay.

Lumapit ako kay Devone at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Sumama na naman ang tingin niya sa akin.

"Promise, bukas ako na ang maglalaba kasama na ang underwears mo!" Saka ngumisi sa kanya at mabilis ng lumabas ng bahay.

"Hi!" Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Chantal ng makita akong palabas ng gate.

Buti na lang at binigyan na ako ni Devone ng susi ng gate sa pantaong pinto nito. Para kung sakali mang mauna akong umuwi mula sa school ay hindi ko na siya kailangang hintayin pa.

"Sorry nagpaalam pa kasi ako." Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.

"It's okay." Sabi niya. "Let's go." Saka binuksan ang driver's side.

Napakunot-noo ako. "Wala si Kuya Jet?" Tukoy ko sa driver niya.

Napailing-iling siya. "Day off niya. Manganganak din kasi ang asawa niya." Paliwanag niya. "Don't worry, marunong akong mag-drive!" Saka ngumiti.

"Sure ka ha?" Biro ko. "Alalahanin mo hindi pa magaling ang kamay ko."

Natawa siya. "You're safe with me, don't worry." Nakatitig sa aking sabi niya.

Ngumiti lang ako bago nagtungo sa passenger's side at binuksan ang pinto doon.

"Malapit lang ba dito 'yong shelter na sinasabi mo?" Tanong ko.

Napailing-iling siya. "Siguro mga one to two hours ang biyahe."

Napatango-tango na lang ako. Medyo malayo din pala. Binuksan niya ang stereo ng sasakyan para may bumabasag sa katahimikan sa loob ng kotse.

"Kumusta naman si Miss Davis as your new landlady?" Kapagkuwa'y tanong ni Chantal.

"Okay naman." Sagot ko. "Masungit pa rin." Saka ngumisi.

Natawa siya ng marahan. "Really?" Tumango ako. "Strict ba siya?"

"Yup." Sagot ko.

Siya naman ngayon ang napatango-tango. "Bakit daw wala pa siyang asawa?"

Destined To Be Yoursजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें