Chapter 17 Shake It Off

6.1K 399 415
                                    

"Most women desire someone who makes them laugh and also feel safe. So basically a clown ninja."


Yhael POV


Hindi na ako nag-isip pa at agad siyang hinalikan sa labi. This time, totoo na 'to. This time, wala ng humaharang. Malambot na niyang labi ang hinahalikan ko this time.

Ngunit kakalapat pa lang ng labi ko sa kanya ay agad na ding humiwalay dahil sa ginawa niyang pagtuhod sa akin.

"Ahmp!" Sabay nakangiwing sapo sa ano ko. "Si baby Yhael ko!" Daing ko.

Nakasimangot na napahalukipkip siya sa tabi ng kanyang sasakyan. "Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan!" Masungit niyang sabi.

"Pero kailangan mo ba talagang gawin 'yon!" Napabuga ako ng hangin. "Pisa na ang baby ko!"

She rolled her eyes grumpily. "It's your fault!" She said back, irritably. "And who's this baby Yhael?" She asked with furrowed brows.

"'Yong ano ko na tinuhod mo!" Nakangusong sagot ko. "Kapag hindi na ako makakapag-baby ikaw na ang magdadala ng baby natin!"

"What are you talking about?!" She exclaimed. "You look stupid."

"Devone, sandali!" Mabilis ko siyang pinigilan sa braso ng muli na naman sana siyang sasakay sa loob ng sasakyan.

"Your hands, Lucas." Sabay makahulugan na tinignan ang mga kamay kong nakahawak sa kanang braso niya.

"Dito ka muna." Pakiusap ko na hindi siya binibitawan.

"And what am I going to do here?"

"Uhm... magkape ka? Kwentuhan tayo." Dahilan ko. Gusto ko pa kasi siyang makasama.

Muli niyang pinaikot ang mga mata. "Red has no one at home."

Maang akong napatingin sa kanya. "Si Red talaga ang idinahilan mo?" Hindi makapaniwalang komento ko. 'Yong pusa niya talaga ang idinahilan niya?!

"Your hands, Lucas!" Muling sabi niya.

Nakalabing binitawan ko ang braso niya. "Sige na, dito ka muna."

"It's late." Masungit pa ring sagot niya. "Besides, I don't trust you to behave."

Napakamot ako sa batok habang nakangusong naghihimutok. Paano ka naman kasi makakapag-behave kung ganito kaganda at ka-sexy ang kasama mo?

"I have to go. Get inside." Sabi niya at tuluyan ng sumakay sa likod ng manibela.

"Then pwede mo ba akong daanan bukas?!" Pahabol ko ng isasara na niya ang pinto.

"And why should I?" Kunot-noo niyang tugon.

"Di ba magsisimba ka bukas?" Tugon ko na hindi niya sinagot. "Sasama ako. Nakakalimutan ko ng magpasalamat kay, Lord." And smiled sheepishly.

Sorry po, Lord. Idadahilan na muna kita, tutal maganda naman po ang intensyon ko. Tsaka ayaw mo no'n, magbabalik loob na po ako sayo? Argh, sorry po! Tahimik kong hingi ng sorry.

Napapailing-iling na isinara na niya ang pinto. Kinatok ko ang bintana niya. Ilang sandali pa ay ibinaba niya ang tinted na salamin nito at tumambad sa akin ang masungit niyang mukha.

"Anong oras mo ako susunduin?" Saka ngumisi sa kanya.

"Sorry Lucas, but the answer is no. You can go to church without me babysitting you." Masungit niyang sabi bago muling isinara ang salamin ng bintana. 

Ang sungit talaga! Hmp! Pag ako ang nagsungit sayo, who you ka sa akin!

Bumusina muna siya bago pinasibad ang sasakyan. Haist. Wala na si sungit... pero nakaka-miss!

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now