Chapter 41 This Is Me Trying

6.8K 408 291
                                    

"The best feeling and the worst pain comes when you share a relationship with others."


Yhael POV


Nakasandal ako habang nakahalukipkip na nakatayo sa gilid ng sasakyan. Tahimik kong pinapanood sina Devone at Dominique na nag-uusap kasama ang tiyahin nilang si Mrs. Manzano ng inihatid namin si Dom dito sa NAIA terminal 1. Binabantayan ko 'yong sasakyan dahil hindi pwedeng matagal akong naka-park dito sa gilid ng kalsada. Hindi na yata nila hihintaying makasakay si Dom kaya namamaalam na sila sa isa't isa.

Lumapit sa akin ang guard at sinabing kailangan ko ng umalis doon dahil nakakasagabal sa mga paparating na biyahero. Nakiusap ako ditong sandali na lang. Nang makitang patungo na sina Devone at Mrs. Manzano sa kinatatayuan ko ay napatayo na ako ng diretso. Kumaway muna sa akin si Dom na ginantihan ko din agad ng kaway bago ito pumasok ng tuluyan sa terminal.

Pinagbuksan ko si Devone ng pinto sa frontseat at si Mrs. Manzano naman sa backseat. Nagpasalamat muna ako sa guard bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Napansin ko ang pamumula ng mga mata ni Devone bago nagsuot ng sunglasses. Gustuhin ko man siyang yakapin o konsolahin pero nandito naman ang tiyahin niya na kanina pa ako parang palihim na inoobserbahan.

Sandali kaming tumigil sa MOA para doon na mananghalian at mukhang may bibilhin pa si Mrs. Manzano. Pabili yata ng mga anak niya. Ewan ko, baka salbabida. Pero bakit pa nila kakailangin 'yon kung buoyant naman sila, di ba? Tsk!

"Ako na po ang magbubuhat." Presenta ko kay Mrs. Manzano ng mapansing nahihirapan na siya sa mga bitbit.

Hindi na sana ako magmamagandang loob kung di lang 'to tiyahin ng future wife ko. Hmp. Tahimik lang naman na nakamasid sa amin si Devone ng tinignan ako ni Mrs. Manzano.

"Sige." Pagpayag niya at ibinigay sa akin ang lahat ng bitbit niya.

Lihim akong napangiwi dahil doon. Ang sasabihin ko lang sana 'yong iba pero ipinabitbit na niya sa akin ang lahat ng pinamili niya. Puno ng simpatyang hinawakan ako ni Devone sa balikat saka tipid na ngumiti bago sumunod sa kanyang tiyahin.

Hapon na ng matapos si Mrs. Manzano sa pagsa-shopping. Hindi ko na tuloy nabitbit ang mga binili ni Devone sa dami ng binili ni Mrs. Manzano. Balak niya yatang i-imitate ang MOA sa Matalinhaga.

Nasa toll gate na kami nakapila ng mapansing nakatulog si Devone. Tinanggal ko pansamantala ang seatbelt ko tsaka dumukwang para i-reckline ng bahagya ang upuan niya upang makapuwesto siya ng maayos. Maingat ko ding inayos sa pagkakasandal ng kanyang ulo para hindi siya mangawit kung sakali.

Pabalik na ako sa pagkakaupo ng maayos ng mapansing nakatitig sa akin si Mrs. Manzano. Kinilabutan ako dahil akala ko si Valak na 'yong nasa backseat. Bahagya pa akong napahawak sa dibdib ko at taimtim na napadasal ng Ave Maria.

"Itsura mo?" May pananaway sa tinig niya habang nakakunot-noong nakatingin sa akin sa rearview mirror. "Para kang nakakita ng multo." Puna niya.

"Sorry po." Nakangiwing sabi ko.

Paano naman kasi 'yong damit na suot niya parang pang-madre kulang na lang 'yong veil, 'yong coif at headdress ng mga nuns!

Huminto muna kami sandali ng makaramdam ng pagkaihi si Mrs. Manzano. Dapat kasi nag-diaper na lang siya, palagi kasi siyang nagpapahinto! Kulang na lang kada gasolinahan na madadaanan namin ay iihi siya!

"Pakisabi sa tita mo, sa susunod mag-diaper na lang siya!" Reklamo ko kay Devone ng makababa na si Mrs. Manzano.

Natawa siya sa sinabi ko. "Quiet!" Saway niya sa akin sabay marahang hampas sa balikat ko.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now