Chapter 45 Everything Has Changed

6.6K 405 325
                                    

"Choose the one that makes you genuinely happy."


Yhael POV


Nakasunod ang tingin ko sa matandang babaeng mataba na hindi ko alam kung saang botique kinuha ang suot na damit at ganito kapangit ng pumasok ito sa loob ng canteen. Agad itong napasimangot ng makita ako.

May pagka-K9 yata ang pang-amoy nito sa sobrang talas. Akalain mo 'yon, ang daming estudyante dito sa canteen pero agad niya akong nahagilap?

Haist, babatiin ko pa naman siya dahil ang 'ganda' niya sa suot na itim na bestida na kung hindi sa funeraria kinuha ay baka sa sementeryo hiniram. Bilib na talaga ako sa taste in fashion ni Mrs. Manzano. Buti na lang at hindi nagmana ang magkapatid na Davis sa kanya. Grr, di ko ma-imagine si Devone na nakasuot ng ganito!

Sabagay, kahit ano naman yatang isuot ni Devone babagay sa kanya. Pero mas maganda sana kung huwag na lang siyang mag-damit!

Tsk... nami-miss ko na siya...

Nakapangalumbabang napabuntong-hininga na lang ako. Sinusubukan ko namang kunin ang loob ni Mrs. Manzano dahil tiyahin pa rin siya ni Devv pero sadyang ayaw niya talaga sa akin. Pakiramdam ko nga minsan parang sinasadya pa niyang pagsamahin sina Devone at Mayor Hernandez para lang maitulak ako palayo sa pamangkin niya.

"Hoy." Untag sa akin ni Santos ng marahil ay mapansin ang pananahimik ko. "Problema mo diyan?" Saka kumagat sa hawak na burger, 'yong mayo na palaman nito ay sumabit pa sa gilid ng bibig niya. "Latang-lata ka ha?" Saka makahulugang ngumisi.

Inirapan ko siya. "Baliw!" Haist, nakakahawa naman ang asawa ko!

Napangiwi ako ng dinilaan niya ang gilid ng bibig. Parang sinadya pa nitong ipakita sa akin.

"Eew, ang sagwa!" Kunwaring nasusukang komento ko.

"Ano nga?!" Sabay siniko ako. Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong. 'Yong tipong kami lang ang makakarinig sa sasabihin niya. "Kumusta ang honeymoon?" May panunukso sa tinig niya.

"Anong honeymoon?" Kunot-noong baling ko. "Wala nga e! Super busy niya ngayon! Dalawang araw na nga siyang wala." Nakangusong reklamo ko.

Kahapon pa umalis si Devone. Ang sabi niya may conference daw siya sa Manila hanggang ngayong Miyerkules. Super busy din siya dahil sa gala. Hindi ko alam kung ngayon siya uuwi o bukas na. Wala pa naman siyang reply.

Muli akong napatingin sa counter ng marinig ang pagtawa ni Mrs. Manzano kasama ang ilang tindera doon. Mga Marites!

"Nandiyan na naman si Datu Puti." Komento ni Santos saka isinubo ang natitirang burger na medyo may kalakihan pa. Punong-puno tuloy ang bibig niya.

Kunot-noong muli akong nagbaling ng tingin sa kanya. "Bakit naman Datu Puti?"

Nilunok muna niya ang nasa bibig. "Mukhasim!"

Natatawang tinampal ko siya sa braso. "Loko-loko!"

"O di ba, at least natawa ka na!" Nakangising sabi niya. "Para ka kasing ilang gabing walang kalinga diyan e!"

Napansin kong bigla siyang natigilan ng may pumasok na magandang babae. Bagong subject teacher yata 'to. Noong Monday lang pumasok. Hindi ko alam masyado dahil wala naman siyang hawak na subject sa amin.

"Alam mo bang parang Mega Sardines si Miss Tham-tham?"

"Tham-tham?" Nakangising pag-uulit ko.

"Oo." Saka napangalumbabang nakasunod ang tingin niya dito. "Si Miss Tham-tham ng buhay ko."

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now