Chapter 51 Teardrops on My Guitar

5.7K 399 176
                                    

"Love and sacrifice are closely linked. Like the sun and the light. We cannot love without suffering, and we cannot suffer without love. True love is selfless. It is prepared to sacrifice."


Yhael POV


"What are we doing here?" Mabilis kong tanong kay daddy ng pinababa niya kami ni Devone sa driveway ng napakalawak na bakuran ng napakalaking modern mediterranean house. "Why did you take us here?"

"You forgot your manners, Yhael." May pananaway sa tinig ni daddy.

"Magalang ako, depende lang sa kung sino ang kaharap ko." Ang matapang kong sagot.

Napataas ang kanyang baba sabay huminga ng malalim. Halata ang pagkadisgusto sa kanyang mukha. Kapagkuwan ay napatingin siya sa katabi kong si Devone. Mabilis kong hinawakan ang braso ni Devone at itinago siya sa likod ko in a protective manner.

Hindi ko man tuluyang maintindihan ang deal niya sa daddy ko, isa lang ang alam ko... ginawa niya 'yon para makuha ko ang gusto ko. 'Yon nga lang, hindi niya kilala ng mabuti kung kanino siya nakipag-deal.

Kailan pa tumupad si daddy sa usapan? I know better...

"Yhael?"

Ang pakikipagkompronta ko sana kay daddy ay hindi natuloy ng marinig ang pamilyar na tinig ng isang babae.

"Huxley!" Bulalas ko.

"Yhael!" Mabilis itong tumakbo para salubungin ako ng yakap. "It's really you!"

"Yes." Mahigpit ko siyang niyakap.

"I miss you so much!" Mas lalong humigpit ang yakap niya.

"I miss you too." Kumalas siya ng yakap sa akin. Noon ko napansin ang pangangayayat niya. Lihim na naman akong nagagalit kay daddy sa ginagawa niya. "Where's mom?" Sabay tingin sa pintong pinanggalingan niya.

Unti-unti at dahan-dahang nawala ang ngiti niya. "Inside her room."

"Her room?" Naguguluhang bigkas ko.

Napatingin muna si Huxley kay daddy bago sumagot. "She's sick."

Agad akong sinalakay ng kaba. Masama ang tinging ipinukol ko kay daddy na nananatiling seryoso pa rin.

"Ovarian cancer." Dagdag ni Huxley na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"What?!" Gulat na gulat na bigkas ko. "Kailan pa?!"

"Last month lang na-diagnose." Malungkot na tugon niya.

Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko sa nalaman. Naramdaman ko ang paghawak ni Devone sa kamay ko kaya nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"What type?" Napapikit ako.

"Epithelial carcinoma." Tugon ni Huxley. "Stage four."

Mabilis akong nagmulat ng mga mata. The fuck?! 

Hawak ang kamay ni Devone ay nagpasya akong pumasok sa loob ng bahay. I'll deal with my father later. Mas importante ang mommy ko!

Mabilis na sumunod si Huxley sa amin. Nakalimutan ko pang ipakilala si Devone sa kanya.

"By the way, this is Devone." Naalala kong sabi habang nasa loob na kami ng bahay. "Devone, si Huxley."

Inilahad ni Devone ang kamay kay Huxley. "Hi." Tipid nitong bati na may kasamang tipid na ngiti. Namumula pa rin ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kaninang nasa loob kami ng sasakyan.

"Hello." Tinanggap naman ito ni Huxley. "We've met once, haven't we?" Bigkas niya ng binitawan ang kamay ni Devv.

Tumango lang si Devone bilang tugon.

Destined To Be YoursDove le storie prendono vita. Scoprilo ora