Chapter 3 You're on Your Own, Kid!

8.6K 453 162
                                    

"You're not looking for perfection in your partner. Perfection is all about ego. With soulmate love, you know that true love is what happens when disappointment sets in - and you're willing to deal maturely with these disappointments."


Yhael POV


"Maganda ba 'to?" May pag-aalinlangan na tanong ko kay Ryle habang namimili kami ng sapatos na gagamitin ko sa pasukan sa Lunes na.

Hawak ko ang isang classic boat shoes na nakita ko. I like the color. Not the usual brown or black. Sometimes mas gusto kong maging naiiba.

"Hmm." Napatingin siya sa gawi ko. "I think this one looks better on you." Saka ipinakita sa akin ang isang Oxford slip-ons. "Especially with school uniforms."

Ibinaba ko ang hawak at tinignan ito. Nakita ko 'yong price. "Nah, mas gusto ko 'yon." Kaila ko.

I like it but can't afford it so... I think I'll settle with this one na lang. Okay naman and afford ko pa. Besides, I don't need to look gold in school. Mas maganda 'yong lowkey tayo. Kahit na sa totoo lang ay wala talaga tayong pera. Haist.

Nagtungo na ako sa counter para bayaran ang sapatos na napili ko. Pumila na rin sa likod ko si Ryle. Hindi ko na lang pinansin kung anong binili niya. Kakasahod din niya kahapon kaya sumama siya sa akin mag-shopping ngayong Sabado. I mean, mostly, window shopping lang kami.

"Heto." Ibinigay niya sa akin ang paperbag ng biniling sapatos.

Kunot-noong napatingin ako sa kanya. Abala kasi akong nagbibilang ng sukli. One thing that I've learned in this kind of life, every peso count. Tsk.

Ang dami kong natutunan habang mag-isa akong namumuhay. Natuto ako sa mga bagay na akala ko ay hinding-hindi ko matututunan. Nakaya ko ring gawin at maranasan ang mga bagay na akala ko sa hinagap ay hindi ko kaya.

So when I see him again, I'm gonna say this to his face, 'See? I can live without your freakin' money, dad!'

"Ryle." Seryoso akong napatingin sa kanya.

"Sige na. Take this as a gift." Giit niya.

"Binigyan mo na nga ako ng school bag." Katwiran ko.

"Sige na!" Kinuha niya ang kamay ko at isinukbit sa daliri ang hawakang string ng paperbag. "Grasya 'yan, bawal tanggihan." Nakangising dagdag niya.

Napapalatak ako. "Alright." Napilitang pagpayag ko. "Pero hayaan mo akong ilibre ka ng lunch."

"Sorry, may date ako ngayon e." Nakaangat ang gilid ng labing dahilan niya.

"Seriously?!" Natigilan ako sa paglalakad at maang na napatingin sa kanya. "I thought I was your date!" Biro ko.

Natawa siya ng marahan. "It's alright, kid." Tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Maybe some other time."

Napapalatak ako. "Who's the unlucky girl?" Napapailing-iling na tanong ko.

Nagkukwentuhan kami habang palabas na ng mall. Ang daming tao ngayon, mga nagla-last minute shopping din siguro para sa pasukan sa Lunes.

Bumili na lang ako ng pagkain at sa apartment na ako kumaing mag-isa ng maghiwalay kami ni Ryle. Napatingin ako sa nakasabit na school uniform. White long sleeve na may red and white checkered din na necktie and skirt. May logo ito ng school sa kaliwang bahagi sa tapat ng dibdib.

Until now ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagagawa ko 'to ng mag-isa. Mahirap pero worth it. Nakakaya pa naman.

Nang matapos akong kumain ay inayos ko 'yong mga kakailanganin ko sa pagpasok sa school para hindi ko na ito poproblemahin pa bukas.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now