Chapter 4 Lavender Haze

7.4K 445 196
                                    

"I believe in love at first sight. If you want that connection, then you want some problems."


Yhael POV


"Yhael, let's go!"

Nag-angat ako ng tingin mula sa sinusulat at saglit na tinapunan ng sulyap si Chantal na nagsusukbit na ng bag sa balikat. Palabas na rin ang iba naming mga kaklase habang ako ay nagmamadaling kinokopya ang nakasulat sa whiteboard sa harap.

"Mauna ka na." Sabi ko.

Napakamot ito sa batok. Sa buong maghapon, siya lang ang consistent na nakakasama ko. Mula kaninang umaga, sa canteen at hanggang sa lunch break. Inililibre niya ako ng lunch pero hindi ko tinanggap. Mukha siyang may kaya. Pero okay naman siya. Mukha namang mapagkakatiwalaan. Well, first day of school pa lang naman so... let's wait and see. Marami namang nagbabago after ng first day of school.

"Why?" Tanong niya.

Isinara ko na ang notebook at inilagay ito tsaka ang ballpen ko sa loob ng bag. Tumayo na ako sa kinauupuan habang isinasara ang zipper nito. Kami na lang pala ang natitira sa loob ng classroom.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Muling tanong niya.

"May pupuntahan pa ako." Sagot ko.

"Where?" Sabay inilipat ang bigat sa isang paa.

"Sa library." Ang kulit nito.

Napaikot ang kanyang mga mata. "Okay, I'll see you tomorrow then."

"Sure." Maikling tugon ko at lumabas na ng classroom.

May mga nagsisilabasan na ring ibang estudyante mula sa iba pang mga classrooms. Nasa third floor ang room namin for General Biology I, last subject namin. Medyo malayo pa ang lalakarin patungo sa gate ng school.

"Can I text you later?" Tanong niya habang naglalakad na kami pababa ng hagdan.

"Why?" Kunot-noong tanong ko habang inaayos sa pagkakasukbit ang bag ko sa kaliwang balikat pagkatapos kong mailabas ang map.

"For our assignment in General Chemistry?" Patanong niyang sagot.

Napaangat ang gilid ng labi ko. I know what she's playing at. Pero kunwari na lang akong hindi ko nahahalata.

"Fine." Maikling sagot ko habang nakatingin sa map.

Natigilan ako ng mapansing ibang direksyon ang tinatahak ko. Naku po! Ang layo pala ng Principal's office mula dito!

"Is there any problem?" Tanong niya ng mapansin ang pagpalatak ko.

"Nothing." Sabi ko. "I'll see you tomorrow then. Bye!" Saka kumaway sa kanya bago tumalikod at nagmamadaling tinahak ang ibang direksyon.

"Hey!" Pahabol nito pero hindi ko na nilingon.

Hinihingal tuloy ako ng makarating sa pinakadulong building, malapit sa stadium. Sa fourth floor pa yata ang office niya. Muli kong tinignan ang map.

"Oh, shoot me!" Bulalas ko ng tama ang hinala ko.

Tumigil lang muna ako sandali ng makarating sa fourth floor to catch my breath. Isang malalim na inhale exhale ang ginawa ko bago tumayo ng diretso at naglakad sa hallway. Hinanap ko sa bawat pinto ang Principal's Office.

Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko ng sa wakas ay mahanap ito. Ikaapat sa hilera ng mga pintong nandito. May isa pang pinto sa dulo pero hindi ko alam kung ano 'yon. Hindi ko na tinignan sa map.

Kumatok ako ng dalawang beses at hinintay ang response niya mula sa loob. Ngunit dumaan na ang ilang segundo ay wala pa ring sumasagot.

Wait, what if nakauwi na pala siya?

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now