Chapter 24 Soon You'll Get Better

6.1K 404 265
                                    

"Will you lend me a kiss? I promise to give it back."


Yhael POV


Nagising ako kinabukasan ng makarinig ng mga tinig na parang may hindi pinagkakasunduang pinag-uusapan. I can't say they're fighting dahil hindi naman malakas masyado ang kanilang mga boses. Medyo may disagreement lang siguro. Nagkunwari akong natutulog pa ng marinig na tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila.

"Of course not, tita." May diing kontra ni Devone sa sinabi ni Mrs. Manzano tungkol sa akin.

"Then why is she special?"

"She's not special." May diing sagot ni Devone. "She's my responsibility."

"Then let the authority do their work!" Medyo naguluhan ako sa sinabing ito ni Mrs. Manzano.

Wala akong narinig na sagot mula kay Devone.

"Devone, hija." Malumanay na bigkas ni Mrs. Manzano.

Bahagya akong nagmulat para tignan sila. Nakatayo silang dalawa malapit sa pinto na nakaharap sa isa't isa. Nakatalikod sa direksyon ko si Devone kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

"Ayokong malagay ka lang sa alanganing sitwasyon. Your position at school might be compromised." Payo nito. "I've seen this scenario before, believe me."

"I'm not doing anything wrong, tita." Paliwanag niya. "Besides, all students of MHS are my responsibility, how could this one be different?!"

"Then bakit nasa puder mo 'yan?" Tanong ni Mrs. Manzano.

"As my boarder." Sagot ni Devone.

Ilang sandaling walang kumikibo sa kanilang dalawa parang nag-uusap ang kanilang mga titig sa isa't isa.

"She has no one. No parents, no family and I am her School Principal -"

"So this is another charity case?" Mrs. Manzano interjected.

Hinintay ko ang sagot ni Devone pero wala akong narinig.

"Alright," Sabay napabuntong-hiningang saad ni Mrs. Manzano pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. "Aalis na ako." Sabi nito. "I trust your judgements, Devv."

"Thank you, tita." Mahinang tugon ni Devone.

Pagsara ng pinto ang sumunod kong narinig. Mariin akong pumikit at naghintay ng ilang sandali bago kunwaring napaungol at unti-unting nagmulat ng mga mata.

Agad na napatingin sa akin si Devone ng makita akong gising na. Hawak niya ang kanyang cellphone at mabilis itong itinago ng lumapit sa akin.

"You're awake." Parang kulang sa siglang sabi niya.

"Good morning." Bati ko. Naalala ko 'yong mga naging pag-uusap nilang magtiyahin. "Are you okay?"

Napatitig siya sa akin. "You heard."

"Medyo lang." Tugon ko. "Inaantok pa ako e. Siguro dahil sa gamot."

"I talked to your doctor a while ago, he said you can go home now." Saad niya. "But you have to come back next week to have the cast on your left hand removed."

May tipid na ngiting tumango-tango na lang ako sa kanya.

Bago magtanghalian ay na-discharged na rin ako sa wakas sa hospital. Inalalayan ako ni Devone na pumasok sa kuwarto ko, dito rin sa dating tinulugan kong guest room noong unang nagpunta ako dito.

"Ayos na ako dito." Sabi ko sa kanya ng makaupo ako sa kama at makasandal sa headboard. "Seriously, Devone. Kailangan mong asikasuhin ang trabaho mo."

Hindi siya kumikibo habang inaayos ang mga gamit ko mula sa hospital.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now