Chapter 19 You Belong With Me

6.4K 392 234
                                    

"I am yours. No refunds."


Yhael POV


Haist, hanggang tanaw na lang ako sa kanya... Dalawang araw pa lang ang nakakalipas pero ang hirap na, paano na kaya 'yong natitirang araw pa?

"Hoy!" Untag ni Santos sa akin. "Lucas, hindi ka naman nakikinig sa akin!"

"Pwede bang saka na lang natin pag-usapan ang tungkol doon?" Sabi ko sa kanya habang nakasubsob ang ulo sa ibabaw ng lamesa, lunch break namin, dito sa canteen.

Lihim kong tinatanaw si Devone na first time kong makitang dito kumain sa canteen kasama ang iba pang guro at ang assistant niyang si ma'am Sofie. Di man lang ito napapatanaw sa gawi ko.

"Hay naku! Bahala ka na nga!" Saka tumayo na mula sa kinauupuan at lumipat ng mesang sabi ni Santos.

"What's wrong ba?" Tanong ni Chantal.

"Wala." Tugon ko. "Inaantok lang ako."

Napalabi ako ng makitang nakikitawa siya sa mga kasama. Bakit pag ako pinapatawa ko siya di man lang tumatawa tapos kung ano-anong pickup lines na ang sinasabi ko hindi pa rin siya kinikilig? What's wrong with me na ba? Haist! Ano ba 'yan nakakahawa si Chantal!

"Let's go to the park?" Aya niya.

"Sige." Napipilitang tumayo ako mula sa kinauupuan. "Ako na." Presenta ko ng makitang nahihirapan siyang buhatin ang dala niyang mga libro. "Dapat kasi may locker ang bawat estudyante dito. Ang laki-laking school!" May kalakasang reklamo ko.

Ikinawit ni Chantal ang kamay niya sa braso ko ng paalis na kami ng canteen.

Naupo kaming dalawa ni Chantal sa damuhan. 'Yong varsity jacket ko ang inilatag ko para hindi madumihan ang mga skirt namin.

"Inaantok ka sabi mo, di ba?" Sabi ni Chantal. "You can put your head on my lap." Sabay pampag ng kanyang mga hita na naka-stretch sa damuhan.

"Huwag na." Tanggi ko.

"Sige na. Gigisingin kita kapag malapit na ang first period natin this afternoon." Sabi pa niya.

Hindi na ako nag-inarte pa. Totoong inaantok talaga ako. Anong oras na kasi kami natapos kaninang madaling araw. May isang grupo kasi na doon sa resto bar nagdesisyon mag-celebrate ng birthday ng boss nila kaya medyo late na ako nakauwi.

Mas lalo na akong inantok ng masuyong sinusuklay-suklay ni Chantal ang buhok ko habang nagbabasa ito ng libro. Pumikit na ako at agad na nakatulog. Hanggang sa pag-idlip si Devone pa rin?! Ano bang gayumang ipainom niya sa akin at di niya matantanan isip ko?

"Yhael." Sabay mahinang yugyog ni Chantal sa braso ko. "Yhael, wake up."

"Hmm." Pupungas-pungas na bumangon ako. "What time is it?" Nagkukusot ng mga matang tanong ko. Napahikab ako saka nag-inat.

"One O five na." Tugon niya habang naghahanda ng mga gamit.

Naghihikab pa ring tumayo na ako mula sa kinauupuan. Inilahad ko sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang makatayo rin bago ko dinampot ang jacket ko.

"Let's go." Sabi ko. "Akin na 'yan." Saka ulit kinuha mula sa kanya ang mga libro niya. "Para hindi ka na mahirapang magdala ng mga books, 'yong iba, ilalagay ko na lang sa locker ko." Suhestiyon ko.

"No, it's okay." Nakangiting tanggi niya. "Nagkausap-usap kami sa group chat ngayon lang habang nakatulog ka, magkakaroon na rin daw ng sariling locker room ang mga members ng cheering squad."

"Really? Oh, that's good to know." May konting ngiting sabi ko.

Ikinawit niya ang kamay sa braso ko saka ito niyakap. Parang natural ng clingy si Chantal at sweet kaya hinahayaan ko na lang.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now