Chapter 29 Love Story

6.1K 425 266
                                    

"Love is complicated; it makes people think about it all the time, makes people feel emotions they have never even felt before. Sometimes, there are moments when you feel like you do not even understand what love means; you are just so confused about it."


Yhael POV


"It's done." Sabi ni Devone ng matapos niya akong turuan sa assignments ko.

"Thanks, love." Tugon ko sabay isinara ang libro at activity notebook ko.

Iniwan ko lang ito basta sa ibabaw ng work table niya saka nagtungo sa kama at pabagsak na nahiga.

"Hey!" Saway niya ng mapansin ako. "Go to your room." Taboy niya.

"Dito na lang ulit ako matutulog." Paglalambing ko. "Nakakatamad -"

"Yhael, nasasanay ka na ha?" Saway niya.

"Masarap ka -"

"Bastos!"

"Saglit lang kasi!" Natatawang sabi ko. "Masarap ka kasing katabi ang ibig ko sabihin. Napaka-green mo talaga."

Umirap siya sa akin. "Go to your room." Masungit niyang sabi saka inasikaso naman ang trabaho niya.

Napatingin ako sa digital clock sa bedside table niya. "It's already late, Devv. Come to bed." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Palagi kang nagpupuyat, it's not good."

"I'm just finishing up some papers for the gala." Sagot niya.

Napahikab ako. Hinayaan ko na lang siya at umayos na ng higa sa kama niya. Pangatlong gabi ko na yata itong natutulog dito sa room ni Devone. Nakakatamad na kasing bumalik sa kuwarto ko, plus gusto ko din siyang makatabi. Behave naman ako for the first two nights.

"Sabado naman bukas," Komento ko sa inaantok na tinig. "You can do that tomorrow."

"I can't." Tugon niya. "Maggo-grocery ako bukas."

"Sasamahan naman kita." Ganti ko.

"Ang kulit mo." Napapailing-iling niyang sabi. "Go to sleep and don't bother me."

"Wala akong kayakap." Paglalambing ko pa.

Hindi siya sumagot at nag-concentrate na lang sa ginagawa.

Haist, pumikit na lang ako at hinayaan ang sariling igupo ng antok. Ayaw talaga niyang payakap.

Naalimpungatan ako ng lumundo ang kama. It's Devone.

"What time is it?" Inaantok na tanong ko.

"Twelve, I guess." Sagot niya.

"Twelve?" Napapalatak ako. "Nagpuyat ka na naman."

"Magtaka ka kung may magpupuyat sa umaga." Ganti niya.

Wala sa sariling natawa ako. "I like your sense of humor." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod ng tumalikod siya ng higa sa akin.

"Yhael -"

"Hug lang promise." Sabi ko saka siya niyakap ng mas mahigpit baka makawala e. "Huwag mong pipilipitin 'tong kamay ko ha? Malapit ng tuluyang gumaling."

"You're so noisy." Komento niya. "Go back to sleep."

"Yes, mommy." Napangiti ako ng marahan niya akong siniko dahil sa pagtawag ko sa kanya ng 'mommy'. "I love your scent."

"Well, I don't like yours." Balik niya.

Nagmulat ako ng mga mata dahil sa sinabi niya. Bahagya akong bumangon para sana tignan siya pero may kadiliman kaya hindi ko masyadong aninag ang mukha niya.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now