Chapter 35 The Archer

6.1K 379 232
                                    

"Even the act of falling in love can mean different things to different people — or at different points in your life."


Yhael POV


Ilang beses akong napapabuga ng hangin habang tinitignan ang sarili sa harapan ng salamin. First day of exam. After nito, may one week kaming break. Pagkatapos naman ng break ay magiging abala na ulit si Devone para naman sa charity gala.

Kinakabahan ako. Pero kailangan kong mag-relax para hindi ma-blangko ang utak ko mamaya kapag nasa harapan ko na ang test questions.

"Hooo!" Eksaheradang buga ko ng hininga. "Good luck, Yhael."

Nang matapos kong ma-check ang sarili sa salamin ay umalis na ako doon at lumabas ng kuwarto dala ang bag na nakasukbit sa balikat ko.

"Good luck, Yhael!" Nakangiting sabi ni Dom ng makita ko siya sa labas ng bahay. Nagdidilig siya ng mga halaman. 

"Thanks, Dom!" May ngiting tugon ko.

Lumabas na rin mula sa loob ng bahay si Devone. Agad ko siyang nilapitan para tulungan sa mga dala niyang gamit at inilagay ito sa backseat ng kanyang kotse. Pinagbuksan ko siya ng pinto pagkatapos saka umikot. Ako ang magda-drive.

Bumusina muna ako kay Dom ng palabas na kami ng gate. Kumaway siya sa amin.

Wala kaming imikan ni Devone habang nasa daan kami patungo sa school.

"You are currently a STEM student who is currently having General Chemistry 2 subject as well. Today, Mrs. Domingo asked you to prepare a CuSO4 solution. What is the concentration of your solution?" She asked.

So I will have a test inside the car while driving?

"For example, you weigh out 18g of CuSO4." Dagdag niya. "Dissolve it with 100ml distilled water."

Ilang sandali akong nag-iisip. "Ang hirap naman pag walang calculator." Reklamo ko.

"Use your brain, not your mouth." Sabi niya habang nakahalukipkip na napatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at nag-concentrate ng ilang sandali. Ang hirap mag-kwenta kung isip lang ang gamit.

"More or less 1.1M CuSO4 is the concentration of the solution?" I replied after a few minutes.

"I want an exact answer. You can't write that down later. Your answer will be marked wrong." Sabi niya.

Napapalatak ako. "1.13?" Patanong kong sagot.

"You have to be sure." Sabi niya.

Marahas akong napabuntong-hininga. "1.13M CuSO4." Sagot ko.

"How did you come up with your solution?" Tanong pa niya.

I puffed out a breath. "CuSO4 is equivalent to 159.609 grams per molar mass." Saad ko. "18g of CuSO4 divided by 159.609g is equivalent to 0.113 molar mass." Paliwanag ko. "Then divide 0.113 molar mass by 0.1 liters of water."

"Hmm..." Napatitig siya sa akin. "Good."

Napangisi ako. "I did my assignment, Miss Davis." Sabi ko sa kanya habang ipinaparada ang sasakyan niya sa parking lot.

Magkasabay kaming pumasok sa loob ng gate. At dahil hawak ko ang ilang gamit niya, hindi na ako nakipila sa mga estudyanteng papasok na chine-check ng guard ang IDs. Inihatid ko siya hanggang sa kanyang opisina.

"Wait." Pigil niya sa akin ng paalis na sana ako.

Humarap ako sa kanya at hinintay siyang makalapit sa akin. Tumayo siya sa harapan ko saka hinawakan ang necktie na suot ko. Tinanggal niya ito mula sa pagkakabuhol at inayos.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now