Chapter 22 Getaway Car

6.1K 406 245
                                    

"Love is like an hourglass, with the heart filling up as the brain empties."


Yhael POV


Sandali pa akong napaisip kung nasaan ako ng gumising ako kinabukasan.

Damn... first morning ko dito as Devone's boarder... daw? Hmm... ayaw pa kasing aminin na gusto rin niya akong nandito sa bahay niya!

May ngiti sa labing nag-inat ako. Masigla ang kilos na bumaba ako ng kama. Inayos ko muna ang hinigaan bago nagtungo sa loob ng banyo. Maaga pa naman kaya hindi pa ako naligo. Lumabas muna ako at nagtungo sa kusina.

Awtomatikong sumilay ang napakagandang ngiti ko ng makita ko si Devone na abalang nagluluto ng agahan namin.

Aww... agahan namin. Haist, parang nakikita ko na ang future ko. Pinagsisilbihan ng napakagandang asawa ko. Tsk.

Hindi niya siguro namalayan na pumasok ako sa kusina. Lumapit ako sa likod niya.

"Good morning, love -" Sabay yakap sa likod niya pero agad din akong napaatras sa ginawa niya. "Shit!" Nakayukong mura ko dahil bigla niya akong siniko sa tiyan. Pakiramdam ko nawalan ako ng hangin. "Devone naman ang aga-aga ginawa mo na naman akong punching bag!"

Nakapameywang ang isang kamay na napaharap siya sa akin. May hawak siyang sandok sa kabilang kamay.

"What did I tell you yesterday?" Ang aga-aga pero nagtataray na naman siya.

"Para namang battered wife labas ko nito!" Reklamo ko.

Mabilis akong lumayo sa kanya ng akma niya akong papaluin ng sandok. Mainit kaya 'yon!

"First day mo pa lang as my boarder, hindi ka na mapagkakatiwalaan. Didn't I tell you to behave?!" Masungit niyang sabi.

Napanguso ako.

"Go and make yourself useful!" Saka ako inirapan at ibinalik na ang atensyon sa niluluto.

Bubulong-bulong na lumabas ako ng kusina at nagtungo sa garden. Magdidilig na lang ako ng mga halaman namin. Argh! Sige na nga, halaman lang niya! Hmp! Parang siya, isang napakalaking halaman!

Halos kakasimula ko pa lang na magdilig ng mga halaman sa may garden ng makarinig ako ng busina. Napasilip ako sa gate para tignan kung sino iyon. Isang may katandaan ng lalake nga nasa labas ng gate may styro box na nakalagay sa likod ng kanyang motor. May hawak siyang brown na paperbag.

"Ano po 'yon?" Magalang na tanong ko dito ng nilapitan ko. Nakatayo na siya ngayon sa labas ng saradong gate.

"Ah, hija! Bisita ka ba ni Miss Davis?" Tanong nito.

"Hindi po, asawa niya po ako -"

"Mang Gener!" Siya namang paglabas ni Devone mula sa loob ng bahay.

"Ah, Miss Davis 'yong pandesal niyo po!" Masayang sabi ng lalaking tinawag ni Devone ng Mang Gener.

"Salamat po." Magiliw na sabi ni Devone sa kanya ng tinanggap niya ito.

"Mauuna na po ako, Miss Davis." Paalam no'ng matanda.

"Sige po. Ingat po kayo sa pagtitinda!" Sabay kaway pang paalam ni Devone dito.

Napapasimangot ako sa isip ko. Pag sa iba talaga ang giliw niya, pagdating sa akin... hmp! Favorite niya talaga ako... favorite niyang saktan!

Tinapunan muna ako ng tingin ng matanda bago umalis. Inihatid pa siya ng tanaw ni Devone.

"What did you tell Mang Gener?" Agad niyang kompronta sa akin.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now