Chapter 49 Stay Beautiful

6.9K 427 305
                                    

"Falling in love was simple; one had only to yield. Digesting another person, however, and sustaining love, was bloody work, and not a soft job."


Yhael POV


"You have a nice school." Basag niya sa katahimikan.

Ngumiti ako ng tipid. "Thank you." Proud na proud ako sa school ko.

"And a gorgeous Head Mistress as well," She added.

Dahan-dahang nabura ang ngiti ko. "She is... gorgeous, and pretty smart too." May pagka-proud man sa tinig ko pero hindi ko naman napigilan ang pagdungaw ng lungkot sa mga mata ko.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ngunit parang ramdam ko ang mga mapanuri niyang mga titig.

"I like someone," She announced. "But that someone does not like me back." Napangiti siya ng malungkot. "She likes my tito."

"Fuck me." Nasorpresa at napapailing-iling kong komento.

Ang sakit siguro no'n. 'Yong gusto mo siya pero may iba naman siyang gusto at worst, tito pa niya mismo. Buti na lang at si Mang Gener lang talaga ang karibal ko kay Devone. Isang pandesal ka lang. Tsk.

Natawa siya ng marahan. "You know what? I think that's the first two words I uttered when I first saw her." Sabi niya. "For me, she is the most beautiful creature I've ever seen. I will always treasure her even though she is not mine to begin with."

"That..." Namamangha ditong bigkas ko. "... sucks."

Parang ikinabigla niya ang sinabi ko. Nagkatawanan kami tuloy na dalawa. Parang noon na-break 'yong natitirang wall sa pagitan namin at nagsimulang maging komportable sa presensya ng bawat isa.

"I like someone din." Pag-amin ko. "And that someone happens to be my School Principal." Matapang kong dagdag. Hindi ko naman pwedeng sabihin ditong asawa ko na si Devone.

"No way!" Nagulat na bulalas niya. "What the actual fuck?"

Natawa ako. "Yeah, fuck me, right?"

Nagkatawanan kami ulit ng marahan. Parang biglang naging private joke naming dalawa iyon.

"Then anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Ba't di ka lumabas doon?"

Muling bumalik ang lungkot ko. "Ayokong makitang isinasayaw siya ng iba, habang ako hindi ko man lang iyon magawa."

"Why not?" Tumayo siya ng diretso ng may dumaang isang may katandaan ng babae at pumasok ito sa loob ng washroom. Hindi ko kilala, siguro isa sa mga bisita.

"Isn't it obvious?" Napailing-iling ako. "Hindi gano'n ka-acceptable ang mundo pagdating sa mga kagaya natin. Marami pa ring galit, marami pa rin ang sarado ang isip."

Bumalik sa isip ko ang lahat ng insultong natamo ko mula kay Mrs. Manzano. Masyado naman niyang ipinapamukha sa akin na hindi ako bagay sa pamangkin niya at ayaw na ayaw niya sa akin para kay Devone.

"Pero di ba kapag mahal mo ipinaglalaban mo?" Komento niya.

"Practice what you preach." Balik ko sa kanya ng maisip na hindi niya din maamin sa gusto niyang gusto niya ito. "Walk your talk."

"Ouch." Kunwaring nasaktang tugon niya. "Iba kasi 'yong case ko. Iba din 'yong sayo."

Huminga ako ng malalim. Yes, siguro iba nga.

"You want to dance your woman, right?" Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Napansin kong nagtatanggal siya ng suot na coat.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon