Chapter 32 Should've Said No

6.3K 439 298
                                    

"Simple things become complicated when you expect too much."


Yhael POV


"What the fuck?!"

Nanlalaki ang mga matang natigilan ako sa pagpasok sa loob ng kuwarto ko ng makita ang nagkalat na gamit ko sa sahig.

"Shit!" Patuloy kong mura ng makita ang school ID ko at iba pang gamit na sira na tila nginatngat.

"What happened?" Kunot-noong lumapit sa akin sina Devone at Dominique sabay silip sa kuwarto ko.

"Oh my God." Narinig kong bigkas ni Dominique.

"Red!" Malakas na sigaw ko ng makita ang salarin na prenteng nakahiga sa kama.

Susugurin ko sana ang pusa ng pinigilan ako ni Devone sa braso. "Yhael, don't!"

"What?!" Gulat na gulat na bigkas ko sabay napalingon sa kanya. "Sinira niya 'yong gamit ko!"

"Let me deal with him." Sabi niya saka ako binitawan at pumasok sa loob ng kuwarto ko.

Akala ko pa naman ay pagagalitan niya ang pusa niya? Pero malambing ba naman na kinarga niya ito saka tinatanong kung okay lang ba siya?! What the actual fuck?!

Hindi makapaniwalang napaawang ang bibig ko sabay napasiklop ang mga kamay sa likod ng ulo ko.

"Let's go upstairs." Mahinahon pang aya ni Devone kay Dominique pagkatapos saka ako nilagpasan!

"I feel sorry for you, Yhael." Sabay tinapik-tapik ang balikat kong sabi ni Dominique habang nakatanga pa rin akong nakatayo sa harapan ng bukas na pinto. "My eonni loves her cat very much."

Pagkasabi niya nito ay iniwan na rin niya ako at sumunod kay Devone. Naiwan akong bagsak ang mga balikat at panay ang mura.

Naiiyak na isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na gamit sa sahig. 'Yong school ID ko, library card, ballpens at ilang scratch papers na nasa loob ng bag ko ang sinira ni Red. Hindi naman niya ginalaw ang mga notebooks ko.

Pero bullshit naman 'yong ID ko ang tinira!

Hindi ako lumabas ng kuwarto sa sobrang sama ng loob ko ng kinakatok ako ni Devone para kumain ng dinner. Ni-locked ko ang pinto ko para hindi siya makapasok! Inis na inis ako! Mas pinili pa niya talaga ang pusa niya kaysa sa akin?! Pesteng 'yan!

Nakatulog tuloy akong masamang-masama ang loob at gutom...

Kinabukasan ay hindi ko pa rin pinapansin si Devone. Hindi siya papasok sa school dahil sasamahan niya si Dominique para mamasyal. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Bahala siya!

"Yhael." She called me but I pretended not to hear anything.

Nakatingin lang naman sa amin si Dominique na parang nag-oobserba. Kumuha lang ako ng mansanas para may laman ang tiyan ko sa pagpasok sa school bago lumabas ng kusina. Kinuha ko ang susi ng motor dahil ang sabi ni Devone pwede ko daw gamitin iyon habang naka-on leave siya sa work.

I was quiet the whole morning. Buti na lang at kahit sira 'yong school ID ko ay pinapasok pa rin ako ng mga guards. Sinabihan na lang nila akong mag-request ng bagong ID.

"O, ba't ang haba ng nguso mo diyan?" Natatawang puna ni Santos sa akin ng pumasok ako sa classroom.

"'Yong pusa kasi ni Dev- Miss Davis!" Sagot ko. "Nginatngat ba naman 'yong ID ko?!" Himutok ko.

Natawa siya sa sinabi ko na ikinairap ko sa kanya. "Mag-request ka na lang ng bago."

"Ano pa nga ba?" Napabuntong-hininga ako.

Destined To Be YoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя