Chapter 16 Invisible String

6K 414 432
                                    

"They say if the love is true, then it is easy. But that's false. Love is complicated. It's sticky. It's bliss and it's a mix of emotions. It's not easy."


Yhael POV


Teka, saan niya ako dadalhin?

Nagtatanong ang mga matang nagbaling ako ng tingin sa kanya. But as usual, hindi na naman niya ako kinikibo. Parang iisang beses nga lang niya ako tinapunan ng tingin. Napalabi ako. Ngayon ko naalala na nagtatampo pala ako sa kanya dahil hindi niya ako pinapansin the whole week. Sabagay di ba? Sino ba naman kasi ako para pansinin niya, I'm just a charity case for her. Hmp.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Walang music, hindi dinig ang ugong ng mga sasakyan sa labas, ang tahimik din ng aircon niya... haist, nakakatakot huminga baka marinig din niya. O baka naririnig niya ngayon ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil kasama ko siya? Tsk.

Inabala ko ang sarili para kunwari di ako affected. Argh, saglit lang? Ba't ba kasi ako nagpapaapekto sa kanya?

Inilabas ko na lang ang cellphone mula sa loob ng bag. Naisip ko si Huxley baka kanina pa 'yon naiinip kakahintay sa tawag ko.

Ngunit napakunot-noo ako ng makita ang new number na ilang missed calls ang iniwan para sa akin. Kinabahan ako. Baka emergency. Sina Huxley at mommy ang pumasok agad sa isip ko.

Pinindot ko ang call button para mag-call back dito. Naghintay ako ng sandali habang nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga ako ng malalim para kalmahin ang kaba.

At kasabay ng pag-ring ng phone number na tinatawagan ko ay siya ring pagtunog ng cellphone ni Devone na nasa gitna namin. Hindi ko iyon pinansin dahil baka kako nagkataon lang na may tumatawag din sa kanya. Hindi nito sinasagot ang tawag, maging ng tinatawagan ko. Muli kong sinubukang tawagan ito. Kinakabahan talaga ako.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Devone. Patuloy pa rin sa pagri-ring ang phone niya habang patuloy rin na hindi sinasagot ng tinatawagan ko ang cellphone din nito.

"Stop calling my phone number." Saad niya sa masungit na tinig kapagkuwan.

Napaawang ang bibig ko sa narinig habang patuloy pa rin sa pag-ring ang cellphone niya. Napaismid siya saka kinansela ang tawag. Kasabay ng pagtigil ng ring ng phone niya ay siya ring pagtigil sa pagri-ring ng tinatawagan ko.

Napatingin ako sa phone number na nakalagay sa call registry ko. Five missed calls ang iniwan niya sa akin kaninang alas dos ng hapon?!

"Ba't mo ako tinatawagan?" Noon ko lang siya kinausap.

Hindi siya sumasagot. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada.

Tignan mo 'to? Kung di ko kinakausap nagsasalita, pero kapag natatanong ako di naman sumasagot! Hay naku! E kung hindi ko rin kaya siya pansinin at kausapin? Just to be fair, right?

Sa bahay niya ako dinala. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya pero hindi niya ako pinapansin at bumaba na ng kotse. Napakamot ako sa batok. Ang labo talaga ni Miss Davis! Kasing labo ng pagkagusto ko sa kanya!

Agad na sinalubong ako ni Red ng makapasok kami sa loob ng kanyang bahay. Parang naglalambing itong iknikiskis ang katawan at ulo sa binti ko.

"Hi Red na kulay black!" Bati ko dito sabay kinarga. Pero agad ding tumalon mula sa akin. "Ang labo mo, parehas kayo ng amo mo." Bulong ko sa hangin.

Buti na lang at hindi narinig ni Miss Davis. Baka may lumipad na naman na kung ano patungo sa akin pag nagkataon.

"Do you know how to cook?" Nakapameywang na tanong niya.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now