Chapter 21 Tied Together With A Smile

6.5K 428 417
                                    

"I solemnly swear I am up to no good. Especially when I am all alone with you!"


Yhael POV


"Woah!"

Sobrang saya at ingay dito sa locker room namin pagkatapos ng laro. Grabe 'yong sabuyan namin dito ng tubig at batuhan ng basang-basa ng pawis na jerseys.

"Yhael!" Binuhat ako nina Carrandang at Bonifacio.

"Hoy, ano ba?!" Natatawang sabi ko. "Ibaba niyo 'ko!"

"Ipinanalo mo 'yong laro!" Sabi ni Carrandang.

"Ano ka ba?! Ibaba niyo nga ako!" Buti naman at ibinaba nila ako. "Guys, hindi ko ipinanalo ang laro. TAYO ang nagpanalo ng laro. We're one, we're a team. Palagi ko 'tong sinasabi, sa TEAM walang 'I'." Giit ko. "Nanalo tayo dahil sa effort, trust, teamwork at galing ng nating lahat."

Natigil lang kami sa kakasigaw at kakasaboy ng tubig ng dumating si Coach Uno kasunod ang dalawa pang coaches. Tuwang-tuwa sila, halata sa kanilang mga mukha. 

"Dahil nanalo tayo," Pambibitin ni Coach Uno. "May prize tayo!" Sabay taas ng sobre na marahil ay naglalaman ng perang gagastusin para sa recreational activity bilang premyo namin sa aming pagkapanalo. "Ready na rin ang resort na pupuntahan natin bukas!" Masaya din niyang hayag.

"Saan coach?" Tanong ni Santos. "Sa resort po ba na pagmamay-ari nina Miss Davis?"

"Yes." Sagot niya.

Hindi ko alam na may resort pala siyang pagmamay-ari. Ano pa bang mga hindi ko alam tungkol sayo, Devone?

"At heto na ang perang ibinigay ni Miss Davis na gagamitin natin para bukas."  Sabay itinaas ito sa ere.

Naghiyawan kami sa sobrang saya.

"Coach dapat may drinks ding kasama!" Sigaw ni Aguilar.

"Fine, fine!" Natatawang pagpayag ni Coach Uno. "And for your safety, magsasama tayo ng ilang faculty members na magmo-monitor sa inyo."

"Coach dapat pwede ring magsama ng girlfriend!" Sabi ni Meneses.

Natawa kami ng tinignan siya ng makahulugan ni Coach. Paano, anak ni Coach 'yong girlfriend niya.

"Pagbigyan mo na Coach para madala din namin 'yong sa amin!" Segunda naman ng iba.

"Sus, mas maganda kung wala para walang pabebe!" Sabi naman ng iba.

"Okay sige na, sige na!" Napilitang pagpayag ni Coach Uno. "Magbihis na kayo may nakahandang pagkain para sa lahat ng players sa canteen." Sabi niya bago nagpaalam na lalabas.

Nang matapos akong makaligo't makapagbihis ay sabay na kaming lumabas ng locker room ni Santos. Hinarang kami bigla ni Xavier na parang kanina pa naghihintay. May mga kasama itong ilang babae.

"Mga idol pa-picture lang daw sila sa inyo sandali pwede ba?" Sabi niya sa amin ni Santos.

Pinagbigyan na namin sila kahit sandali lang. Ngunit nagulat ako ng biglang may humalik sa pisngi ko.

"Sandali!" Sabay napalayo at napapunas sa pisngi. "Ba't may kasamang kiss 'yon?!" Angil ko kay Xavier.

"Fifty ibinayad no'n kaya may kiss!" Sagot niya.

"E gago ka pala!" Sabi ni Santos. "Sapakin kita diyan gusto mo?!" Inumangan siya ni Santos ng suntok. "Hala, ibalik mo mga pera nila!"

Hinila na ako ni Santos at naglakad na kami palabas ng building. Papunta na kami sa canteen ng makasalubong namin ang ilang nakalaro naming taga-St. Mary's. 'Yong mayabang na si Fajardo na parang palaging nakangisi.

Destined To Be YoursOnde histórias criam vida. Descubra agora