Chapter 50 The Last Time

6.4K 409 218
                                    

"True love is built on sacrifice and that sacrifice often means putting other's needs above your own."


Yhael POV


"Aww!" Nakangiwing napahawak ako sa ulo ng mahulog sa sahig dala ang tumatawang si Devone at bumagsak sa ibabaw ko. "Aray." Daing ko.

Ang wild kasi naming dalawa. We made love in the car, in the kitchen and now we end up here in the living room, on the couch. Pero sa kakulitan namin kaya nahulog ako sa sahig kasama siya.

"Are you hurt?" Parang nang-aasar pang tanong niya habang nasa ibabaw ko.

"Nagtanong ka pa talaga?" Palatak ko. "Hmp." Saka umiba ng pwesto hanggang sa nasa ilalim ko na siya. Carpeted ang sahig kaya hindi naman siguro siya lalamigin. Kapwa kami walang saplot sa katawan. Nasa kusina yata ang mga damit namin.

Tumatawa siya dahil muntik na naman akong mauntog sa coffee table. Ngunit hindi ko magawang makitawa dahil natutulala ako sa kagandahang taglay niya. Parang ang saya-saya niya ngayon.

Unti-unti siyang natigilan sa pagtawa ng hawakan ko ang pisngi niya at mapansing nakatitig ako sa kanya.

"Kapag nakapag-desisyon ka ng mag-baby tayo, anong ipapangalan mo?" Tanong ko.

Napaisip siya. "I... still don't know." Tugon niya. "Maybe if it's a girl, hmm... Louise?" Patanong niyang saad. "And if it's a boy... Hale?"

Napangiti ako. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan isa-isa ang daliri niya. "Gagawin ko ang lahat para maipagmalaki mo rin ako balang araw." Pangako ko sa kanya.

"I'm proud of you no matter what." May masuyong ngiti sa kanyang mga labi.

Inilagay ko sa labi ang likod ng kanyang kamay. "Magiging doktor ako, promise." Sabi ko.

"I know." Tugon niya. "Without a doubt."

Bumaba ang mukha ko para dampian siya ng halik sa labi. "Thank you, love." Bigkas ko. "Palagi mong pinapalakas ang loob ko. Kahit kailan hindi ka nag-doubt sa kakayahan ko."

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kamay na hawak ko. "Can I ask you a favor?"

"Sure." Mabilis na tugon ko.

"I need to go to Cebu tomorrow." Sabi niya. "I will be attending a conference there. Can you come with me?"

Natigilan ako. "Why?"

"I am not familiar with the place." Dahilan niya. "I thought maybe you could help me."

Huminga ako ng malalim. "I can't." Tugon ko. "Kilala ako doon, Devv."

"Then," Napaisip siya. "Mag-disguise ka." Suggestion niya.

Umalis ako sa pagkakadagan sa kanya at tumayo. Inilahad ko sa kanya ang kamay para alalayan siyang makatayo. Agad naman niya itong kinuha ngunit agad na ikinawit ang mga braso sa batok ko.

"Please?" Pakiusap niya. "Love."

Napatingala ako sa kisame. "Devv." Sabay napahinga ng malakas na bigkas ko.

Nang mapatingin ako sa kanya ay agad siyang napangiti. "Is that a yes?"

Napapikit ako. "I have to disguise." Saad ko.

"Yes!" Tuwang-tuwang bulalas niya. "You have to tour me there."

I rolled my eyes. "Fine." Pagpayag ko na lang.

Hindi naman siguro malalaman ni daddy na nasa vicinity ako kung sakali. Unless pinapa-monitor niya araw-araw ang flight papuntang Cebu? Which is... possible? Haist.

Destined To Be Yoursजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें