Chapter 34 Lover

6.5K 376 92
                                    

"Some relationships are preposterous and extremely complicated."


Yhael POV


Mabilis akong lumabas sa pinto ng marinig ang sunod-sunod na pagbusina mula sa labas. Agad na sumilay ang ngiti ko ng makita ang sasakyan ni Devone na papasok sa driveway. Parang batang excited na nag-abang ako sa ilang hakbang na hagdanan pababa ng driveway habang inaayos ni Devone ang pagtigil ng kotse.

Naunang bumaba si Dominique mula sa passenger's side bago bumaba ang hinihintay ko. Miss na miss ko na kaya siya. Oo na, ako na ang patay na patay sa kanya!

Who wouldn't, right?

"Dev-" Hindi ko naituloy ang pagsalubong ko sana sa kanya ng bumaba mula sa backseat si Mrs. Manzano. "Dom!"

Kaya naman imbes na si Devone ang sasalubungin ko ng yakap ay si Dominique na lang, mas safe.

"Hi!" Masigla naman nitong tugon saka ako niyakap din. "How are you here?" Tanong niya. "Is the house still intact?" May halong birong dagdag niya.

"Ikaw naman!" Nasobrahan yata ang pagkakatulak ko sa kanya muntik na siyang matumba kung di ko lang siya maagap na nahila sa braso. "Sorry, Dom." Nakangiwing sabi ko.

Nakatawa namang hinampas niya ako sa balikat. "It's okay, Yhael. I know you're just so happy to see us again." Sabay kindat sa akin at ngumiti ng makahulugan.

Napansin kong nagbababa ng gamit si Devone kaya mabilis akong kumilos para lapitan siya.

"Mrs. Manzano, good afternoon po." May tipid na ngiting bati ko dito ng malalagpasan ko siya patungo sa kinaroroonan sana ni Devone.

"Good afternoon din." Tugon niya ng hindi ngumingiti.

Ramdam ko naman na parang hindi ako nito gusto. Kahit hindi niya sabihin ay makikita ko naman sa paraan niya ng pagtingin sa akin.

"Ah, tulungan na kita Miss Davis." Sabi ko ng makalapit kay Devone.

"Thanks." Maikling tugon lang niya.

Tinulungan ko siyang ilabas mula sa compartment ng sasakyan ang mga gamit nila at ilang paperbags at plastics na naglalaman ng mga pinamili nila.

"I miss you." Bulong ko sa kanya ng medyo makalayo sina Mrs. Manzano at Dom sa amin.

Napatingin siya sa akin. "Can you hold this?" Sabay iniabot sa akin ang bag niya.

Tumango ako. Gustong-gusto ko na siyang yakapin pero hindi pwede.

Kukuhanin sana ulit niya sa akin ang bag ng maisara niya ang compartment ng sasakyan pero hindi ko na ibinigay. Sinabi ko sa kanyang ako na lang ang bahala sa mga dala nila at pumasok na kako siya sa loob ng bahay. Pero nagbitbit pa rin siya ng ilang supot at paperbags bago pumasok sa loob.

"Haist, nakakapagod!" Narinig kong himutok ni Mrs. Manzano habang nakaupo ito sa pang-isahang sofa.

Inilapag ko sa carpeted floor ang mga dala nila mula Baguio at muling bumalik sa labas para kuhanin ang iba pa.

"I'll just prepare a snack." Narinig kong sabi ni Devone sa kanila bago ako nakalabas ng bahay.

Nang bumalik ako sa living room ay nakaupo na si Dominique sa mahabang sofa at nakapikit namang nakasandal sa kinauupuan si Mrs. Manzano. Nang mailapag ko ang lahat ng gamit nila sa carpeted floor ay pasimple akong nagtungo sa kusina. Sakto namang nasalubong ko si Devone sa pinto na may hawak na tray.

"Ako na." Presenta ko.

"Okay." Ibinigay niya sa akin ang tray na hawak.

Sa bahay naghapunan si Mrs. Manzano. Panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga nangyari sa Baguio. Haist... sila na nga lang ang magkakasama, sila pa ang magkukwentuhan sa nangyari sa kanila doon. Hindi tuloy ako makalapit kay Devone...

Destined To Be Yoursजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें