Chapter 37 Snow on the Beach

5.9K 382 152
                                    

"Love is a complex feeling that many people get to experience but only a few can enjoy it."


Yhael POV


"Are you ready, Miss Lucas?" Tanong ni Mrs. Domingo sa akin habang nakaupo ako sa harapan niya.

Nakaupo si Mrs. Domingo sa likod ng mesa, sa bandang harapan, at diretsong nakatingin sa akin. Wala akong ibang dalang gamit kundi ang ballpen at calculator na kakailanganin ko. Bukod dito ay wala ng ibang gamit sa ibabaw ng writing desk na kinauupuan ko. Ang school bag ko ay nasa gilid, sa bandang harapan.

May dalawa pa kaming kasama na nasa bandang likod na ng silid. Isa na doon si Devone na prenteng nakaupo habang naka-cross legs at nakahalukipkip. Katabi niya si Mrs. Javillo na may hawak na ballpen at papel. Hindi ko alam kung para saan iyon. Sila ang magsisilbing Adjudicators. 

May inihandang questions si Mrs. Domingo na siya lang ang nakakaalam. May inihalo daw siyang ibang tanong doon para siguradong walang dayang magaganap.

"Yes, Mrs. Domingo." Tugon ko habang lihim na humihinga ng malalim.

Kapagkuwa'y binigyan niya ako ng isang blangkong white short bond paper na pwede kong gamitin sa pagsusulat. 

Halo-halo ang magiging tanong at pagsagot. This is an oral examination kaya sasagot ako agad kung kinakailangan sa tanong o kaya naman ay bibigyan niya ako ng ilang minuto para mag-solve kung sakali.

"Question number one." Bigkas ni Mrs. Domingo. "Which one of the following will change the value of an equilibrium constant?" Nakinig akong mabuti. "A) changing temperature; B) changing the volume of the reaction container; C) varying the initial concentrations of reactants; D) varying the initial concentrations of products."

Inulit niyang muli ang tanong.

"Letter A, ma'am." Sagot ko. "Changing temperature."

"Support your answer." Follow up niya. Hindi ko alam kung pati ito ay may puntos din.

"The position of equilibrium is changed if you change the concentration of something present in the mixture. According to Le Chatelier's Principle, the position of equilibrium moves in such a way as to tend to undo the change that you have made." Paliwanag ko.

"That is correct."

Lihim akong napabuga ng hininga pagkatapos. One down, more to go.

"What is the poisonous substance of peanut?" Tanong niya. Kagaya ng nauna ay muli niyang inulit ang tanong.

"Aflatoxins." Favorite subject ko ang Biology kaya naman alam na alam ko 'yan basta tungkol sa mani. Napatikhim ako.

"What produces aflatoxins?" Follow-up question niya.

"Aflatoxins are a family of toxins produced by certain fungi that are found on agricultural crops such as corn, peanuts, cottonseed, and tree nuts. The main fungi that produce aflatoxins are Aspergillus flavus and Aspergillus parasiticus, which are abundant in warm and humid regions." Puno ng kumpiyansang sagot ko.

Nag-review ako kaya kahit papaano ay nakakasagot ako ngayon.

Napangiti si Mrs. Domingo. "Correct." Saad niya.

Maya-maya ay binigyan niya ako ng papel na naglalaman ng tanong at ilang pagpipiliang sagot. Pwede akong gumamit ng calculator o kaya naman ay ang papel na blangkong ibinigay niya kung kinakailangan.

Identify the correct equilibrium expression for the following reaction.6CO2 (g) + 6H2O (l) C6H12O6 (s) + 6O2 (g)
a) [C6H12O6] [O2]6 / [CO2]6 [H2O] 6
b) [CO2]6 / [O2]6
c) [O2]6 / [CO2]6
d) [O2]6 / [CO2]6 [H2O] 6

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now