Chapter 9 Wildest Dreams

6.9K 434 141
                                    

"The feeling of love hits me like I'm in a boxing match when I'm with you. And I must say, you've knocked me out more than once."


Yhael POV


Ilang sandali na ba akong nakatitig sa screen ng cellphone ko? Haist... hindi talaga siya nag-reply.

"Yhael!"

Kasabay ng paglingon ko ay ang pagkawit ni Chantal sa kamay niya sa braso ko. Ngiting-ngiti siya dahil excited siya sa audition niya bukas para sa pagsali sa cheering squad.

"Anong sasayawin mo bukas?" May panunukso kong tanong habang itinatago ang cellphone sa bulsa ng suot kong bomber jacket.

"Secret." Nakangiti niyang tugon. "Nood ka ha?" Parang batang ungot niya.

"I can't promise, okay?" Pagpapaintindi ko. "May practice din kasi kami."

Napanguso siya. "Kahit sumilip ka lang sandali kapag turn ko na." Sabi niya. "I need some moral support, Yel."

Napailing-iling ako. "Okay, fine." Pagpayag ko. "Text me na lang kung turn mo na then punta ako saglit."

"Really?!" Namilog ang kanyang mga mata.

"Oo na nga! Ang kulit!" Sabay napakamot sa kilay na tugon ko.

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "Thank you!" Niyakap niya ang hawak niyang braso ko at idinantay ang pisngi sa kaliwang balikat ko.

Ayokong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin dahil from the start ay clingy na talaga siya.

Chantal is a paradigmatic example of a beautiful young woman. Her hair was kohl-black and it flowed over her shoulders. She had saccharine-sweet and soft-looking lips. She had cat-like eyes. Her perfectly trimmed eyebrows eased down gently to her sweeping eyelashes. She had an elegant personality and a cheerful outlook. She had a sculpted figure, fair-skinned, and had a sweet voice.

Anyone would definitely fall for her.

Nakakawit pa rin ang kamay niya sa braso ko ng lumabas kami ng school ground. Natigilan siya ng may makitang kumpol ng estudyante sa labas.

"Anong mayro'n?" Curious niyang tanong habang nakatingin sa maraming estudyante malapit sa parking area.

"Street food." Sagot ko. Lagi ko kasi silang nakikitang bumibili doon.

"Talaga?" Nakatingin doong bigkas niya. "Let's try it!" Saka ako hinila.

"Chantal!" Pigil ko sa kanya pero hinihila na niya ako patungo sa kinaroroonan ng mga kumpol na estudyante.

"Gusto kong i-try!" Parang batang excited na saad niya.

"Bahala ka." Iyon lang ang sinabi ko.

"What do you want?" Tanong niya. "My treat."

Sasagot na sana ako ng mapansin ko si Miss Davis na naglalakad patungo sa parking area. May mga bitbit itong libro. Mukha itong nahihirapan sa dala, nahulog pa nga niya ang susi ng kanyang sasakyan sa lupa. Wala man lang nagmagandang loob ditong tumulong.

"Wait lang." Paalam ko sa kanya.

"Sandali, saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Tutulungan ko lang si Miss Davis." Sagot ko. "Hintayin mo na lang 'yong order mo." Sabi ko habang naglalakad na paatras patungo sa kinaroroonan ni Miss Davis.

Nilapitan ko si Miss Davis nang malapit na ito sa parking area.

"Miss Davis." Bigkas ko.

Napatingin sa akin ang maiilap niyang mga mata pero hindi kumikibo.

Destined To Be YoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя