Chapter 5 I Knew You Were Trouble

7.1K 453 155
                                    

"You have not met the person adequately, but this did not hinder you from loving them. Truly, at first, sight, being in love is the actual test of love; loving another without giving weight to who the person might be and what the person might become."


Yhael POV


"Psst." Sabay kalabit ng likod ko ng kaklase kong nasa bandang likuran.

Ang tahimik ng klase habang abala ang lahat sa pag-sosolve ng activity na ibinigay ni Devone, este Miss Davis. Tsk baka totohanin nga niyang i-expel ako dito sa school kapag hindi ko siya na-address'an ng maayos, lalo na sa harap ng ibang tao.

Second day ng klase niya pero may pa-activity na agad ng tungkol sa discussions namin kahapon. To test daw kung nakikinig ba kami sa kanya. Ganito daw ang gagawin niya palagi para malaman kung may natutunan nga ba kami sa itinuturo niya.

Kaya pala siya ang humalili kay Mrs. Rimando dahil full load ang lahat ng guro, tapos expertise pa niya ang limang areas ng Mathematics. Si Mrs. Javillo ang Class Adviser talaga namin, at Basic Calculus teacher. Pero dahil sa nanganak nga siya and under maternity leave kaya si Mrs. Rimando ang substitute teacher. Kaso nga nag-positive sa Covid-19 virus si Mrs. Rimando at kasalukuyang naka-isolate for days kaya napilitan si Devone na pumalit pansamantala.

Ayon sa source ko, mga marites kong kaklase, on going pa ang hiring ng subject teachers dahil sa dami ng nag-enrol na estudyante this school year. May ilang sections ngang nadagdag sa iba't ibang year levels.

"Psst." Muling kalabit ng kaklase kong nasa bandang likod ko.

Napilitan na akong lumingon dito. Napakunot-noo ako ng may iniaabot itong papel sa akin sabay nguso sa kaharap kong estudyanteng lalake. Wala pa akong masyadong kilala sa mga ito pwera talaga kay Chantal.

Ang kulit nito. Hindi talaga titigil hangga't hindi ko tinatanggap ang papel na iniaabot niya. Napasimangot ako bago ko ito kinuha.

"Do we have any problem at the back?"

Mabilis akong napatingin sa harapan ng magsalita si Miss Davis. Nakatingin ito sa direksyon namin, particularly sa akin.

"No, ma'am." Maagap kong sagot saka napayuko.

"Pass your activity notebooks now." Sabi niya kapagkuwan.

"Shit." Mahinang mura ko dahil may dalawa pa akong hindi nasagutan.

Tapos nag-ring na rin ang bell hudyat na tapos na ang klase niya sa amin. Lilipat na rin kami ng classroom. Napilitan na akong ipasa ito kahit hindi ko pa tapos.

"Do you need help -"

"No." Mabilis na sagot ni Miss Davis ng magpe-presenta sana akong tulungan siya sa mga bibitbitin pabalik sa kanyang opisina.

Nang tumalikod ako ay narinig kong tinawag niya ang isa sa mga kaklase kong lalake at ito ang pinagbitbit niya ng mga notebooks. Alright, alright, she has nothing to do with me. Haist.

Wala pa ang subject teacher namin sa General Physics 1 kaya kwentuhan muna ang mga kaklase ko. Unlike sa subject ni Miss Davis, dito kahit saan mo gustong maupo ay okay lang. Sa kanya 'yong conventional type na sitting arrangement, para daw mas madali niyang matandaan kung sino ang absent o tatawagin kapag may recitations.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga clubs na pwede nilang salihan. Si Chantal na nasa tabi ko ay parang na-excite tungkol dito.

"How about you?" Baling niya sa akin. "Have you decided which club to join?"

"Ano bang clubs ang available?" Tanong ko.

'Yong nasa harapan namin ni Chantal ang sumagot, Beverly yata ang pangalan.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon