Chapter 36 Call It What You Want

5.7K 444 225
                                    

"In essence, true love is the feeling that you completely and utterly love someone and everything about them. True love is as ambiguous and as unique as each person in the relationship."


Yhael POV


What the hell?!

"Ma'am, that's not true!" I strongly refused. "I never cheated... or whatever in exams!"

"Miss Lucas -"

"Ma'am as you can see, that's not even my handwriting!" Katwiran ko. "Besides, you checked our activity notebooks before we took the exam!"

"Maraming pwedeng nangyari, Miss Luca. Pwedeng saka na lang nagkaroon ng answer key sa notebook mo while you're taking the exam -"

"Or may naglagay niyan sa notebook ko ng ipinasa ko po sa inyo ito." Naisip ko agad.

Napatitig siya sa akin ng mataman.

"Ma'am, pinaghirapan ko pong makuha ang score na 'yan dahil -" Naiiyak na ako pero pinigilan ko. "Dahil may goal ako."

Huminga siya ng malalim.

"If you want proof that I didn't cheat, I can repeat the exam, Mrs. Domingo." Sabi ko. "Kahit sa harapan niyo pa po mismo."

Muli siyang napatitig ng mataman ng sinabi ko iyon.

"We will investigate this, Miss Lucas." Sabi niya.

"Paki-check din po kung kaninong handwriting 'yan, ma'am. Please po." Pakiusap ko.

"We will." Tugon niya. "In the meantime, this score you got is null and void while the investigation is ongoing."

"Ma'am please, mahalaga po sa akin 'yong score na nakuha ko..." Pakiusap ko.

"I'm sorry, Miss Lucas. Gusto ko ring maging fair sa lahat." Saad niya. "In case you are found guilty of cheating, the consequences will depend on the recommendation of the School Principal. Either you will fail the class and may not have the option to retake the exam. Or you will be temporarily kicked out of the school. Or worst, you will be permanently kicked out of MHS."

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na itong umalis. Kinuha niya ang activity notebook ko kasama na ang answer key na nakaipit daw doon. Naiwan ako sa loob ng classroom na napapalatak at sobrang dismayado sa nangyari. Nasipa ko pa ang upuan bago ako nagpasyang lumabas ng classroom.

Nasa school gate sina Chantal at Santos, agad silang lumapit sa akin ng makita akong palabas.

"Anong nangyari?" Tanong ni Santos.

Napaigting ang panga ko. Gusto kong magwala sa galit sa kung sino man ang nag-ipit ng answer key sa notebook ko. Halatang na-setup ako!

"May nag-ipit ng answer key sa notebook ko at pinalabas na nag-cheat ako sa exam." Kwento ko.

"Ano?!" Gulat nilang bulalas.

"That's impossible!" Nag-aalalang bigkas ni Chantal.

"Oo nga, nakita naman namin kung gaano mo pinaghandaan itong midterm exam." Segunda ni Santos. "Kulang na lang ay tumira ka sa library!"

"Ano na daw ang mangyayari ngayon?" Hinawakan ni Chantal ang braso ko. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. May halo ding lungkot ang kanyang tinig.

"Iimbestigahan daw nila ang nangyari." Tugon ko. "Kapag nalamang guilty ako, depende daw kung failed ako sa General Chemistry 2, or temporary suspended or worst, ma-kick out dito sa MHS."

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now