Chapter 23 This Is Why We Can't Have Nice Things

6K 438 306
                                    

"I don't want to be your favorite or your best. I want to be your only and forget the rest."


Yhael POV


Dahan-dahang nagmulat ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin ang puting-puting kulay ng kisame. Napakurap-kurap ako ng ilang beses dahil medyo blurry ang paningin ko.

Where am I? What happened? Tanong ko sa isip ko.

Naigala ko ang paningin sa loob ng silid. Dinig ko ang pagtunog ng monitor sa bandang gilid. Ramdam ko ang makapal na telang nakabalot sa ulo ko, ang masakit na pagpasok ng gamot sa ugat ko dahil sa nakatusok na dextrose sa kanang kamay at ang naka-plaster cast na kaliwang kamay ko.

Napatingin ako sa babaeng nakaupo at nakayukong nakatulog sa gilid ng kama. Nakaunan ang kabilang pisngi niya sa mga brasong pinagsiklop niya at nakabaling ang mukha sa akin.

Sinubukan kong igalaw ang kamay pero napangiwi ako sa sakit nito. "Uhmp." Impit kong daing.

Noon dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Devone. Agad siyang umayos ng upo ng makitang gising ako.

"Thank God, you're awake." Sabi niya na parang nakahinga ng maluwag.

"What time is it?" Tanong ko sa mahinang tinig.

"Two-fifteen in the afternoon." Sagot niya. "Are you hungry?" Mukhang hindi siya nakatulog ng maayos.

Sinubukan kong bumangon pero nauwi ako sa pagngiwi at pagdaing sa sobrang sakit ng katawan ko.

"Huwag mong piliting bumangon." Nag-aalalang saway niya sa akin.

"Where's my phone?" Tanong ko.

"Do you want to call someone? Your sister or your mom, perhaps?" Tanong niya. "You can use mine." Saka kukunin na sana ang cellphone pero pinigilan ko siya.

"No." Napapangiwi ako sa sakit ng katawan ko. "I want to call Ryle." Sagot ko. "Dapat nasa school ka. Siya na lang muna ang -"

"Nonsense!" Mabilis niyang kontra. "Yhael, ano ba?!" Saway niya sa akin ng gusto kong bumangon.

Nagawa ko pang mapangisi. "Bugbog sarado na nga ako nagsusungit ka pa rin sa akin diyan."

Parang bigla naman siyang nakonsensya. "Lie still. If you need anything just tell me, that's why I'm here." Sabi niya. "What happened, Yhael?" Tanong niya sa malungkot na tinig. "Who did this to you?"

"I don't know." Napapikit ako ng maalala ang nangyari kagabi. "Sina Tamba, Roxas at Fajardo." Saad ko sabay nagmulat ng mga mata.

"Who?" Pag-uulit niyang tanong.

"'Yong mga taga-St. Mary's na nakalaban namin sa basketball noong Sabado." Sagot ko.

Noon tumunog ang cellphone niya. "Yes?" Sinagot niya ito. Sumenyas siya sa akin na sandali lang bago tumayo at lumabas ng silid.

Pumikit ako. Parang inaantok na naman ako kaya hinayaan ko na lang na muli akong igupo ng antok.

Nang magising ulit ako ay hindi ko agad nakita si Devone. Nasa pinto pala siya nakatayo patalikod sa direksyon ko habang kausap niya ang Doctor na marahil ay tumitingin sa akin.

"Hey."

Napatingin ako sa bandang kanan ko. Si Ryle na puno ng pag-aalala ang mukha.

"How are you?" Tanong niya.

"Medyo mas mabuti na ng konti ang pakiramdam ko kaysa kanina." Sagot ko. "How did you know I'm here?"

Sumenyas siya gamit ang nguso at itinuro si Devone. "Pinuntahan niya ako sa bar."

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now