Chapter 11 Ready For It?

6.5K 403 203
                                    

"I love you more than coffee, but please don't make me prove it."


Yhael POV


Silence.

The complete absence of sound pierces the dark room. I was currently lying flat on the bed with my hands folded over my stomach. My eyes were staring straight at the ceiling, which I can still picture in my mind as pure white, even though I can't see it now.

I can't sleep. I shifted my position and bed. Aabutin ko na lang sana ang isang unan para yakapin ng may mahawakan akong malambot.

"Fuck!" Malakas kong mura sabay napabangon ng mabilis.

Agad kong binuksan ang lampshade sa tabing mesa at para akong nakahinga ng maluwag ng makita kung ano ito.

"Red?" Bigkas ko. Tinugon ako nito ng kanyang paghalinghing na para bang naiintindihan ako. "What are you doing here?" Para namang masasagot ako nito. "How did you even get in?" Sabay kunot-noong napatingin sa saradong pinto. Sarado din ang bintana. "Nag-teleport ka 'no? Aswang ka din ba gaya ng amo mo?"

Haist, nababaliw na ako. Pati pusa pinagtatiyagaan ko na lang kausapin.

"Come here." Binuhat ko ito bago bumaba ng kama. "I'll take you to your owner." 

Nakapaang lumabas ako ng kuwarto. Hindi gaya sa loob ng kuwarto na inuukopahan ko, mas may konting liwanag dito dahil sa mga streetlights na nasa labas na sumisilip sa mga de-salaming bintana. Naglakad ako patungo sa hagdan. Hindi ko alam kung saan ang kuwarto dito ni Miss Davis. Mag-eenie meenie miney mo na lang kaya ako? Teka, paano pala kung may shotgun siya?

May kadiliman sa taas, sa ikalawang palapag. Nang nakarating ako sa left wing ay siya namang pagtalon ni Red mula sa mga braso ko. Hindi ko na nasundan kung saan ito tumakbo dahil madilim.

Para akong naka-blindfold na naglakad sa pasilyo. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. What if bigla na lang akong mahulog? Or may aswang pala dito at kagatin ako? Pumihit na lang ako paharap sa direksyong natatandaan kong pinanggalingan ko kanina at nagpasyang bumalik na lang sa ibaba. Ngunit siya namang may bumangga sa akin. O ako ang nakabangga, hindi ko na alam.

Tumama ang kung ano sa baba ko. And because I didn't brace myself from the impact of the collision, I fell to the floor with the thing I collided with.

"Aray!" May kalakasang daing ko ng tumama ang likod ko sa sahig. Bumagsak pa sa ibabaw ko ang bagay na nabangga ko.

"Lucas?" It's Miss Davis.

"May iba ka pa bang inaasahan?" Nakangiwing tanong ko. Buti na lang at hindi ako nauntog. Hindi pa naman carpeted ang floor niya.

"What are you doing here?" May inis sa boses niya. Sinubukan niyang bumangon pero muli rin siyang bumagsak sa ibabaw ko dahil nakahawak ako sa kanya. "Miss Lucas!"

Napasinghap ako ng hindi sinasadyang matuhod niya ako sa ano ko. Argh, si baby Yhael ko!

"S-sorry." Narinig niya siguro ang pagsinghap ko at ang mahinang pagdaing ko.

Kinapa ko ang ulo niya saka umiba ng posisyon. Inalalayan ko ang likod ng ulo niya para hindi siya mauntog. Ngayon ay nasa ilalim ko na siya.

"W-what are you doing?" Nagulat siya sa ginawa ko.

Ramdam ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Maging ang mainit at malambot niyang katawan na yumayakap sa katawan ko ay ramdam na ramdam ko rin. Her sweet scent tickles my nostrils.

"Devone," I whispered.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Tiyak na ramdam niya ito dahil dikit na dikit ang katawan naming dalawa. Bumaba ang mukha ko para halikan siya. Tumama ang labi ko sa tungki ng kanyang ilong.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now