Chapter 18 I Bet You Think About Me

6.1K 385 354
                                    

"You stole my heart, took over my emotions, and made me crazy. The cops are coming to arrest you. So I'll see you in court." - Yhael, 2023


Yhael POV


"Oh my God, have you seen the new bags they released for their spring-summer pre-collection?" Narinig kong sabi ni Dr. Winterfell.

"Yes, and so with their latest perfumes!" Ganting tugon naman ni Devone. "I have one nga e!" Sabay binuksan ang bag para ipakita kay Dr. Winterfell ang biniling pabango mula sa isang napakasikat at napakamahal na brand.

Literal na napaikot ang aking mga mata. My God! Kailan kaya sila mawawalan ng topic?!

"Oh!" Bulalas ni Dr. Winterfell sabay inamoy ang pabango ni Devone. "I love the scent! Not so strong and it smells sweet!"

Lihim akong napangiti sa narinig. I love her scent too. Parang signature na niya iyon sa ilong ko. Kaya kahit nakapikit ako, alam kong si Devone iyon.

Naglaro na lang ako ng mobile games.

"Welcome to Mobile Legends! Five seconds until the enemy reaches the battlefield. Smashed them! All troops deployed!"

"Yhael." Narinig kong tawag ni Devone.

"Hmm?" Tugon ko ng hindi lumilingon sa kanya dahil abala na ako sa pag-control sa hero ko.

"Yhael." May kalakasan ng tawag niya.

Napilitan na akong mag-angat ng tingin sa kanya. Makahulugan ang tinging ipinupukol niya sa akin.

"Can't you see we're talking?" Mahinang sabi niya dahil magkatabi kami.

"Sorry." Hingi ko na lang ng paumanhin saka hininaan ang volume. Hindi ko dala ang earbuds ko, sayang. Kung alam ko lang...

Hindi ko na napapansin kung ano na ang pinag-uusapan nila. Parang narinig ko tungkol na kay Red. Tsk, 'yong mahal na mahal na pusa ni Devone! Sana nga pusa na lang ako para mahal niya rin. Hmp!

"You have been slain."

"Damn it!" May kalakasang sigaw ko.

Gulat na napatingin tuloy silang dalawa sa akin. Nakangiting nag-peace sign ako sa kanila sabay turo ng cellphone ko.

"Hay naku, ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon." Narinig kong komento ni Dr. Winterfell. "Pati nga si Calvin, adik na sa mga mobile games. Minsan pinagsasabihan na rin siya ni Kate dahil halos laging nagpupuyat dahil diyan."

Naputol lang ang usapan nila ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang maganda at sexy'ng babae, dirty blond ang kulay ng buhok at matangkad.

"Hon!" Mabilis na tumayo mula sa kinauupuan si Dr. Winterfell kahit na parang nahihirapan para salubungin ang bagong dating.

Bahagyang napaawang ang mga labi ko ng nag-kiss sila sa lips sa harapan namin ni Devone. So... nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang narinig ko lang na ipinakilala ni Dr. Winterfell si Devone sa bagong dating na ang pangalan ay Katherine. Asawa daw niya ito.

Okay, Yhael. Get a grip, dude. My inner self says.

"Who's this?" May ngiting tanong no'ng ang pangalan ay Katherine ng mapansin ako sa tabi ni Devone. "Your girlfriend?"

"What? No!" Mabilis na tanggi ni Devone na may kasamang awkward na mahinang tawa. "This is Yhael, a friend." Pakilala niya sa akin. "Actually she's uhm," Parang bigla itong na-rattle. "A friend."

"Hi!" Bati ni Katherine sa akin sabay inilahad ang kamay.

"Hello." Tugon ko ng tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at tumayo.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon