Chapter 38 The 1

6.4K 392 213
                                    

"The brightness of my day doesn't depend on the amount of sunshine. Everything depends on your smile."


Yhael POV


Kanina pa kami mabagal na naglalakad sa tabing dagat. Walang kumikibo sa amin habang pinupuno ng ingay ng mabining paghampas ng alon ang dalampasigan. Medyo maliwanag naman sa tabing dagat dahil sa mga solar lamp posts sa paligid ng resort. Idagdag mo pa na bilog na bilog ang buwan ngayon at ang daming bituin sa kalangitan.

Napansin kong napayakap siya sa kanyang mga braso. Tinanggal ko ang suot na bomber jacket at inilagay ko ito sa kanyang mga balikat.

"Thank you." May tipid na ngiting sabi niya. Napansin niya ang suot ko. Plain white shirt na walang manggas. "Baka ikaw naman ang lamigin."

"Naku hindi!" Nakangiting sagot ko. "Nag-iinit nga ako e." Kunot-noong napatingin siya sa akin. "I mean, mainit - naiinitan ako." Nakangiwing napakamot ako sa batok.

Muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Ewan ko ba kung bakit kailan naging kami na saka ako natatameme sa kanya.

Maya-maya ay muntik na siyang matapilok dahil may naapakan yata siyang bato o shell. Buti na lang at maagap ko siyang nahawakan sa braso at sa likod.

"Dahan-dahan kasi." Mahinang saway ko. "Ayoko pa namang nasasaktan ka." Hindi ko na tinanggal ang kamay ko sa likod niya. "O!" Saka siya inalalayan ng may nakita akong bao ng niyog sa tabing dagat, na madadaanan namin. "Baka madulas ka na naman!" Hinapit ko siya sa tabi ko.

Natawa siya ng marahan kapagkuwan.

"Ba't ka natatawa?" Tanong ko.

"Kasi ang OA mo." Sagot niya.

Napapalatak ako. "Hindi ako OA, inaalagaan lang kita." Katwiran ko. "Maupo na nga muna tayo do'n." Sabay mosyon sa malaking tipa ng bato na nasa gilid.

Medyo malayo na rin pala ang nalakad namin. Inalalayan ko siyang maupo sa ibabaw ng malaking bato bago ako naupo sa tabi niya.

"Matagal niyo na bang pagmamay-ari 'tong resort?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm, not really." Tugon niya. "My dad acquired this property six or seven years ago." Kwento niya. "He bought it from a friend."

Napatango-tango ako. "Okay lang ba kung magtatanong ako tungkol sa dad mo?"

"Yeah, sure."

"Anong ikinamatay niya?" Tanong ko.

Ilang segundo siyang hindi nakatugon. "Heart attack." Sagot niya.

"Matagal na ba siyang wala?" Muling tanong ko pa.

"Two years ago." Tipid na sagot niya. "Bago ako lumipat sa MHS."

"Sorry to hear that." Bigkas ko. "Pero buti na lang at lumipat ka sa MHS." May ngiting komento ko. "Dahil kung hindi, hindi tayo magkakakilala." Kinuha ko ang kamay niya at ikinulong ito sa mga palad ko. "Pero... kahit nasaan ka pa siguro, makikilala pa rin kita."

"How sure can you be?" May amusement sa kanyang mukha.

"Dahil nakatadhana kang maging parte ng buhay ko." Tugon ko. "No, ang ibig kong sabihin... nakatadhana kang manatili sa buhay ko." Pagtatama ko.

"Ang corny." Natatawang komento niya.

"Kung corny 'yon, peanut ka naman." Nakangising ganti ko habang nakatingin ng makahulugan sa kanya.

"Yhael ha?" May pananaway niyang sabi.

Natawa ako. "Saglit kasi!" Depensa ko. "I can support my answer."

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now