1: Ashey Emerald Brown

56 2 0
                                    


NOTE: Rough draft | First story na naisulat ko po ito, please excuse the errors, edit ko po siya kapag may free time :)

***

PAGKAPARADA ni Ashey ng kotse sa harap ng bahay niya, sinilip niya sandali ang sariling cellphone na nasa dashboard bago bumaba, kanina pa kasi tunog ng tunog 'yon. Indikasyon na may nagtetext..

    "Pag hindi mo pinasa sa sampung katao, mamamatay ka.." She rolled her eyes. Akala naman niya importante.

    Ang chain messages na 'yon ay hindi na tinigilan ng mga kung sino na walang magawa sa libreng oras at sa load. Isinuksok na niya sa bag ang cellphone pagkabasa niyon. Saka hinugot niya ang susi ng kotse at naghanda na sa pagbaba. Isang araw na naman ang natapos. Pagod siya pero, sa tuwing nakikita ang mga pinagpaguran, napapanatag siya. Aakalain ba ng lahat na ang isang tao na sa ampunan lumaki na tulad niya, hindi nakilala ang mga magulang at kaanak ay may sarili ng bahay, kotse at stable job with stable income na ngayon? Not to mention na buhay pa, kahit ni isa sa mga chain messages na natanggap ay wala siyang sinunod. Napailing siya sa tinakbo ng isip. Minsan talaga patola siya sa kalokohan. Makababa na nga at siya lang din naman ang maghahanda ng hapunan niya.

    Natigilan siya at napakunot-noo, bukas kasi ang gate niya. Praning siya at paranoid na tao pero, sa pagkakataon na 'to, pinili niya na lang na balewalain 'yon at sa tagal naman niyang naninirahan do'n, zero crime naman ang subdivision nila. Baka nalimutan lang niya na i- lock kanina ang gate. Problema niya rin talaga ang pagiging makakalimutin, kaya nga ang susi ng bahay ay nasa ilalim ng pasó na nasa tabi ng pinto.

    Hinubad lang niya ang blazer, binuksan ang TV, tinodo ang volume, saka nag- apron at hinarap ang kusina.

    "Hmn.. a sunny side up egg with V-cut on it, will do.."

    Ang stocks niya sa fridge at cupboard ay kakaunti na lang pala. She made a note, 'grocery day' with a date, saka idinikit niya 'yon sa fridge para maalala na papaubos na ang foods niya.

    Dinurog na niya ang V-cut at inihalo 'yon sa itlog. Masarap ulamin 'yon, isa sa mga paborito niya. And besides, Itlog naman ang inang ulam ng lahat. Parang isang libro lang 'yan, you need to think of a twist. Para hindi ka manawa. Napangiti siya sa amoy ng itlog

    "Here we go.." Agad niya 'yong tinikman. Well, being an Introvert had advantage and disadvantage, tulad na lang ngayon, kahit pagod na ay siya pa rin ang maghahain at magluluto para sa sarili. Mas pinili niya na mamuhay mag- isa kahit kaya naman niyang magbayad ng isang kasambahay. Hindi siya kumportable sa mga tao. Hindi rin siya mahusay sa pakikisama. Kahit noon pa sa ampunan, wala siyang naging kaibigan. Sabi nila, isa siyang malaking weird na tao na naglalakad sa araw- araw, aloof and detached. Mysterious.

    Well, sumasang- ayon naman siya sa mga bagay na 'yon. Simple lang dahil, ang mga tao, napakahusay manghusga kahit sa inaraw-araw naman, mga nakatutok sa social media. May nag she- share ng bible verses, magshe- share ng quotes about being a judgmental etc, pero, hirap pa din na i-apply ng mga 'to 'yon sa mga sarili. Get the point?

    "Ouch!" Nahiwa pa siya ng kutsilyo. No, hindi niya gagamitin o ginagamit ang kutsilyo na nakahiwa sa kaniya. Nagtataka na ibinalik niya 'yon sa kung saan nararapat nakalagay..

    "Something's weird tonight.. bakit nakakalat ang kutsilyo na 'to rito sa lababo?" Pagkausap niya sa sarili. In-off niya ang kalan, hinubad ang apron na suot at umakyat sa hagdan. Sisilipin niya ang k'warto...


    "PWE!" Literal na dinuraan ng lalaki ang picture frame na hawak, bago niya ibalik 'yon sa mesa. Mesa na nakahilera ang mga picture frames na may litrato ng taong nakatira sa bahay na 'yon.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now