13: Gradually Emergence of Secrets

7 1 0
                                    

"NAGPAKITA ANG LOLA ko sa'kin noong six years old ako, and that was the start. Kaya nagbukas ang third eye ko. 'Yong tinuro ko sa'yo, wala namang special about do'n. One time, may sinapian, si lola gano'n ang ginawa, 'ayun, sinubukan ko lang kung gagana 'pag ikaw dahil nga technically, ghost ka na rin like lola."

"So, meaning, open na ang third eye ko?" Tanong ni Ashey kay Xian.

Day off ni Ashey ngayon kaya naisipan niyang itext si Xian para makalaro sa scrabble. Wala na naman kasi si Randall. Nasa Manila na naman.

"Yes. Hindi lang active. And I think, you should tell it to Ninong sooner. Mahirap magtago ng ganyan na intimate involved ka na sa kaniya. Saka, mas okay na alam niya. Makakatulong mo pa siya sa paghahanap ng bangkay mo, I can help too by the way, sabihan mo lang ako kung kailan mo planong magsimula." Nginitian ni Ashey ang sinabing 'yon ni Xian.

Minsan nagugulat pa rin siya na close na sila. Samantalang ang hyper nito no'ng first encounter nila. Naging close sila dahil parehas silang may special ability. Pareho silang special child, biro pa nga niya rito na tinawanan lang ng bagets.

"Sige." Napabuntong-hininga si Ashey.

Sa totoo lang, naisip naman na rin niyang magsabi kay Randall. Hindi lang niya alam kung paano sisimulan. O masisimulan niya pa kaya? Ang hirap magsabi na patay ka na pero 'ayun at buhay ka naman. Kahit sa pandinig lang nga ay ang weird no'n.

"Hindi mo ba natatawag ang angel of death? I'm dead serious na makilala siya." Nasabi na niya lahat kay Xian.

Tiwala naman siya sa bagets at besides, ito lang at ang pinsan nito ang nakakaalam sa mundo ng mga buhay na ghost siya. Saka totoo na mainam din na may mapagsabihan ng mga gumugulo sa isip natin. Lalo na ang katulad ng sitwasyon na mayroon siya. Nakakapraning na solohin.

"Hindi e. Bigla na lang sumusulpot 'yon."

"Bakit mo 'ko gustong makausap?" Siyang sulpot naman ng anghel, 'gaya ng nakagawian na nito.

"Azraelle!"

"Siya ba 'yon?" Nasa tono ni Xian ang pagtataka. Kahit sino naman na makakita sa anghel na si Azraelle ay magtataka. Again-- hindi naman 'to mukhang anghel nga. Mukha lang ordinaryong tao. Lalo na ngayon na natuto na itong magbihis normal tulad ngayon-- bulaklakin na boardshort at plain white shirt ang suot nito.

"Oo, siya nga." Natatawang pinakilala niya ang dalawa sa isa't-isa.

Hindi pa rin makapaniwala si Xian na ito nga ang anghel na naikuwento niya rito, lalo na at nakikain ng chips na kinakain nila ni Xian habang naglalaro, ang matakaw na angel of death.

"Why are you here, Azraelle?" Nase- sense ni Ashey na may sasabihin ang anghel kaya ito naroon. Hindi lang niya sure kung p'wede nitong sabihin 'yon sa harap ni Xian.

"May pag- uusapan ba kayo na hindi ko p'wedeng marinig?" Xian asked, hindi na pinahirapan si Ashey sa pagtatanong directly sa anghel.

"Nah, hindi mo na kailangang umalis. Sasabihin ko lang naman kay Ashey na namatay ang estudyante niyang si Hera Toralva, kaya nagpunta ako rito."

  "What?"

"Yes Ashey. She's dead and killed."
 
"Ah, napanood ko sa news 'yan kanina. Pinatay nga raw sa loob mismo ng bahay nila. Nabagok sa bathtub, 'yon ang kinamatay. Pero napuna ng mga pulis na may foul play, she's hitted by the telephone shower sa left shoulder niya. Panoorin mo sa FB." Pag- imporma ni Xian sa kanila.

Ashey immediately grab her phone, para mapanood din niya ang news na sinasabi ni Xian.

HINDI MAPANIWALAAN ni Randall ang nakita. Halos hindi niya pa nga maikilos ng maayos ang katawan nang ma- start niya at i-maneho ang kanyang kotse. Naroon na naman siya sa bahay ni Ashey sa Manila, kung kailan naman lumabas mula roon ang isang lalaki na siyang pinsan ni Ashey, ayon sa principal ng school na pinagtuturuan nito, saka pa 'yon naglaho-- na parang bula! Literal! Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano itong nawala habang naglalakad palabas sa subdivision! Imagine na naka- kotse pa siya, alangan naman na hindi niya maabutan ito.

Naabutan nga niya pati ang pagkawala nito sa isang kurap! Nang tanungin niya ang mga guards, wala naman daw nakita na dumaan palabas. Kilala rin ng mga guards ang tinutukoy na pinsan ni Ashey, sa katunayan nga raw, nabanggit nila rito na pumupunta siya. Hindi rin naman kasi siya makakapasok sa loob ng subdivision ng hindi nag- iiwan ng ID. Saka, alam naman ni Randall na isa sa trabaho ng security ang ipaalam sa mga home owner ng isang subdivision 'pag may pumunta na pakay ang mga ito. Nakalusot siya no'ng unang punta niya dahil well, sa ayaw man at sa hindi natin aminin, nadadala sa padulas ang lahat ng bagay.

"Mauna na 'ko chief, pakisabi na lang dumaan ako ulit," bilin ni Randall sa mga guards ng subdivision.

"Okay sir. Sabi naman ni Mr. Brown, papasukin ka lang. Hindi mo naman yata siya kinakatok e."

"Kakatukin ko sana kanina, kaya lang lumabas siya ng pinto naman. Tapos---" Hindi na tinuloy ni Randall ang sinasabi at kahit sa pandinig niya'y tunog kagaguhan  'yon. Pinasya niyang kumaway na lang at sumaludo sa mga guards bago magsara ng bintana ng kotse.

NAMAMANGHA NA pinagmamasdan ni Xian ang ginagawang mabilis na pagkain ni Azraelle. Matatawa sana si Ashey, kung hindi lang siya apektado sa ibinalita ni Azraelle kanina at sa napanood na nagkumpira niyon.

Ang daming naglalaro sa isip niya na tanong tuloy...

Paanong napatay ang kaniyang estudyante sa sarili nitong bahay?

Anong atraso ng labing-anim na taong gulang, para patayin? Sa pagkakaalam niya ay mabubuting tao ang magulang naman nito. Maldita ang estudyante niyang 'yon pero sapat ba 'yon para patayin ito?

"Plano mo ba na makiramay ng isang gabi o makipaglibing na lang?" Tanong ni Azraelle, na pumutol sa iniisip ni Ashey. She heaved a heavy sighed.

"Papayagan ka naman ni Ninong Ran, magpaalam ka. Saka may reliever ka naman." Totoo ang sinabing 'yon ni Xian.

Napakabuting boss ni Randall at lahat ng employee nito'y may reliever.

"Oo nga pala, speaking of, nagpupunta si Randall sa bahay mo. Nakalimutan kong sabihin sa'yo."

"Ano?!" Sabay pa na bulalas nila Ashey at Xian.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon