9: Puzzled

6 0 0
                                    


HAPPY PILL, iyon yata ang effect kay Ashey ng halik na pinagsaluhan nila ni Randall kagabi. Nakakawala ng kalungkutan, literal. Magaan ang pakiramdam niya nang magising siya ngayon. Alam niyang dahil 'yon sa boss niya at sa mga pinaramdam nito na bago sa kaniya. Anyway, mula pa kaninang pumasok siya sa coffee shop, hindi pa niya nakikita si Randall. Kung kailan naman dapat nilang pag- usapan ang halik na ginawad nito sa kaniya. Dahil bago ito kay Ashey, hindi niya alam kung sila na ba, kahit wala namang ligawan na nangyari sa pagitan nila? Sila na nga ba na maituturing, ngayon na naamin nilang gusto nila ang isa't-isa o nagustuhan na nila ang isa't-isa? Ayaw naman niyang maging assumera. Maigi na pag- usapan at magkaro'n ng paliwanag sa parehong sides, hindi ba? Nasaan na kaya ito?

  "FINALLY!" Nasambit ni Randall nang makalabas siya sa coffee shop na 'yon ng isa sa mga bagong client ng kape nila. Kaninang 7AM pa siya nakarating sa Manila kung saan niya kinatagpo ang new client nila. Hindi niya akalain na aabutin siya ng alas tres ng hapon do'n. Makulit ang bagong client na nabingwit nila ngayon. Ginawa siyang politiko kung asistehan. Mahirap na lang na tanggihan at sabi nga nila, customer is always right. Nagmamadali na siyang makauwi ngayon dahil gusto niyang makausap na si Ashey about sa nangyari sa kanila kahapon. Nailing na nangiti na lang siya nang maalala ito. Siguradong hinihintay na siya nito. Nakalimutan nga pala niya na kunin ang cp number ni Ashey, e 'di sana nakakatext at katawagan niya. Hindi na bale, mamaya na lang. Magkikita naman sila.. in a bit..

 "Ser! Nalimutan niyo po ito sa loob, pinahabol ni Mr. Chan." Bago pa maisara ni Randall ang bintana ng kotse ay naabutan siya ng isa sa crew ng client niyang si Mr. Chan. Inabot nito ang cellphone niya. Naiwanan niya pala sa kakamadali niya na maiangat ang puwit sa coffee shop ni Mr. Chan.

 "Salamat, miss," nakangiting sabi niya sa crew. 

  "Ay, sorry ser," hinging- paumanhin nito, kasabay kasi ng cellphone ay naiabot din sa kaniya ng crew ang dyaryo na hawak nito. "Dinampot ko lang kasi 'to sa mesa rin." Pagbibigay explanation pa ng crew ng negosyanteng si Mr. Chan kahit hindi niya tinatanong, tukoy ang dyaryo. Tumango lang si Randall. Tango at.. kunot- noo.. 

  "Ahm, itatapon mo na ba ang newspaper na 'yan, miss?"

  "Po?  Ah, opo. Basahin niyo ser?" Nang tumango si Randall bilang tugon, binigay naman sa kaniya agad nito ang dyaryo. Inabutan niya ng 100php na tip ang crew na tuwang- tuwa naman. Buti, may barya pa siya sa dashboard. Ang pagbibigay ng tip sa mga tulad nito ay dapat inormal ng lahat, para sipagin sila sa trabahong hindi nila gugustuhin kung nagkaro'n ng tsansa na iba ang tahakin na trabaho. Alam niya dahil pinagdaanan din niya. Naging kargador muna siya sa farm ng iba hanggang sa naging farmer at ngayon ay farmer pa rin pero may sarili ng farm. Anyway, nakabuklat kasi ang dyaryo sa missing person section, napuna lang kanina ni Randall na kilala niya ang isang mukha na nandoon, no'ng namali ng abot sa kaniya ang crew. Pinagmasdan niya muna ang newspaper, bago i- start na muli ang kaniyang kotse. Tama nga siya. Kilala niya ang isa sa mga taong nasa missing section ng dyaryo na 'yon..

  Ashey Emerald Brown, Teacher..

  "HI! Ano 'yan?" 

  "Scrambled egg with V- cut," sagot ni Ashey kay Randall. Nilapitan siya nito habang nagluluto siya. Nasa ibaba ng quarters ang kusina ng lahat ng mga stay- in na trabahante ni Randall. Iisa ang gamit nila na kusina to be exact, bawal magluto sa mga k'wartong laan para pahingahan lang. Stay-in mandatory rules. Pero p'wede naman na iakyat sa k'warto ang foods pag luto na. Bawal lang magluto at precautions na rin sa accident. 

  "V-cut?" 

  "Yes po." Hindi niya matignan ang boss niya. Nahihiya siya. Maghapon niya 'tong hinintay tapos ngayon na narito na, mahihiya siya? Gah, Ashey, 'asan na ang hihingin mo'ng paliwanag, na sinasabi mo kanina? 

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon