5: Therese Nuevo

17 1 0
                                    

"ADAN James Martinez.."

Present teacher Ashey!" Napangiti ng tipid si Ashey sa estudyante niya na si Adan. Sa lahat ng students niya, ito ang pinaka- charming at palaging masigla.

Second year high school teacher siya sa pribadong eskwelehan na 'yon. Ang mga tinuturuan niya ay mga teenagers na may kaniya-kaniyang pag- uugali. Sabi nga nila, ang mga nasa ganitong edad sa henerasyon na 'to ay mga mapupusok at pino- problema ang lahat ng bagay. Dahil sa social media, nabawasan na ang pakikihalubilo ng mga 'to sa iba't-ibang uri ng tao. Nahinto ang social skills. Hindi na nahahasa. Mas nakatutok na kasi ang mga 'to sa social media. Si Adan ang isa sa mga hindi pa kinakain ng makabagong teknolohiya. Aktibo pa rin 'to sa basketball sa P.E. class nila. Ito lang ang nakikita niya madalas na walang hawak na cellphone sa klase.

"Therese Nuevo..."

Patlang.

"Therese Nuevo?" Ang buong klase ay lumingon sa partikular na parte sa sulok ng silid- aralan na 'yon.

Nakaupo kasi ro'n ang estudyante na tinatawag niya. Then, Therese Nuevo just nodded her head. Saglit lang din siyang sinulyapan, iniwas na agad ang mga mata at yumuko.

"She's always like that..."

"Yah, a freak."

"I second the motion!" Hagikgikan at bulungan ng mga estudyante niyang tatlong babae na nasa upuan sa harapan patungkol kay Therese.

Ashey breathed heavily. Mukhang dapat na niyang makausap ang mga magulang ni Therese tungkol sa behavior nito.

"Ah, Therese, wait lang,"

Saglit na lumingon lang ulit ang bata sa kaniya saka yumuko ulit. Inawat niya ito sa paglabas sa klase. 'Gaya ng dati kasi, nagpapahuli ito na lumabas kapag oras na ng uwian.

"I want to talk to you..."

"Y-yes po?" Sa mga sariling daliri na pinipisil lang ito nakatingin. Something is not right, Ashey knew.

Kung mapapaamin niya ang bata, mas maigi. Kung hindi, susubukan niyang tawagan ang parents nito mamaya.

"Therese, what's wrong? I'm here, you can tell me everything..."  Nanatiling tahimik lang ang bata ng ilang minuto. Napabuntonghininga si Ashey, mukhang ayaw magsalita ni Therese. "Okay, hindi ka pa ba ready na pag- usapan 'yan?" Pagpapatuloy niya.

"Can you promise me now, that you will confess it, once you're ready?" Tumango-tango lang ito. Saka tumayo bigla at tinignan siya saglit. "You can go no--" Hindi pa man tapos magsalita si Ashey ay tumakbo na si Therese palabas ng classroom.

Tanaw na lang niya ito na may pagtataka...

"THERESE!"

Ang pag-uga na 'yon sa balikat niya ng kung sino ang nagpagising kay Ashey. Balikwas siya tuloy ng bangon!

"Pinahiram na nga kita ng panibagong buhay, magpapakamatay ka naman yata sa bangungot." Naka- crossed arms, naka- all dirty white na si Azraelle ang bumungad sa kaniya. 

"Na--panaginipan ko si Therese.." Nasapo ni Ashey ang sariling noo na namawis.

"Obvious naman," balewalang sagot ng anghel.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now