36: Forgiveness

5 1 0
                                    

ANG MGA tao ay tila nilikha talaga ng Diyos na may iba't-ibang pag- uugali, kakayahan at purpose sa buhay. Kaya may masama at mabuti. May gumagawa ng mali at may mas pinipili pa rin na maging tama kahit mahirap para sa kanila. Kahit mali ang kinagisnan nilang buhay.

Si Ashey Emerald Brown ay isa lang sa magpapatunay niyon...

"Anak..."

"Ang yakap na ito na lang ang kakayanin kong ibigay, Na--Nay. Salamat at patawad."

"Oh, Ashey ko, mas patawad, anak. Patawad."

Bumalong ang luha sa mga mata nilang mag-ina. Habang ang paglaho na nagsimula sa kanang kamay ni Ashey ay unti- unti nang umaakyat sa kanan niyang braso. Napag- isip-isip niya na bago pa tuluyan na maglaho 'yon at lumipat ang paglalaho sa kaliwa niyang braso, pinili ni Ashey na biglaan na yakapin ang kaniyang ina. Habang kaya niya pa. Habang narito pa siya.

Ang pagpapatawad ay mahirap ibigay. Kaya alam ni Ashey sa sarili na the moment na bumalik na lang basta ang kaniyang ina sa buhay niya ay napatawad na niya ito. Nagpahilom lang siya. Siya pa rin ang anak, kaya siya ang nararapat na humingi ng tawad. Naging mapagmataas siya.

Sabi nga nila, ang pagpapatawad ay pagpapalaya. Na sa oras na mapalaya mo na 'yon, magugulat ka na lang na mari- realize mong nakakulong ka pala sa isang bilangguan na ikaw mismo ang may gawa. Bilangguan ng pait at poot.

Dapat pa rin siyang magpasalamat. Kung hindi dahil sa nanay niya ay wala sana siya sa mundo. Tama si Azraelle, kung hindi sa nanay niya ay hindi naman siya maisisilang sa mundo at kung hindi dahil sa pang- iiwan nito sa kaniya ay hindi naman siya tatanda sa tama. Hindi siya magiging matatag. Hindi siya titibay at hindi siya magiging guro na kinayang buhayin ang kaniyang sarili.

Deep inside her, alam niya na nakatulong ang pang- iiwan ng kaniyang ina sa kaniya upang maging ganoon niya hinarap ang buhay. Malaki ang naitulong sa pagkatao niya, sa pagbuo niya sa sarili.

Kung hindi siya naging guro, kung hindi siya naging anak ng walang- puso, wala sanang Randall. Clearly, may bright side ang bawat mga pangyayari. Pero s'yempre, naroon pa rin ang katotohanan na regalo lang ng Diyos ang lahat ng bagay. Na ang katotohanan ay nararapat na nilang harapin...

"Pinadala 'to ni Ate LM, for you." Inabutan ni Xian ng isang bungkos na bulaklak na Sunflower si Ashey.

Natatawang nagpahid ng mga luha si Ashey at tinanggap 'yon mula kay Xian.

Sunflower: Positivity and strength.

Naramdaman na lang ni Ashey ang alok na yakap ni Xian. Nang magyakap sila ng binatilyo, nakisali si Azraelle, "Group hug."

"Hay, kayo talaga..." nagbibiro na sita ni Ashey sa dalawa.

Sinulyapan at nginitian pagkuwan ni Ashey ang nanay niya na nananatili lang pala na nakatitig sa kaniya kahit kumalas na siya sa yakap na siya rin ang nagbigay rito. Nang sagutin siya ng tango ng nanay niya at tinalikuran na niya ito.

Ashey let out a heavy breathe.

So, this is it...

"NAKAKAPAGOD BA HA?"

Napangisi si Randall sa tanong na 'yon ni Xian.

Ah, hindi naman para sa kaniya ang tanong. Para 'yon sa kasama niya na magbungkal ng lupa sa isang parte na 'yon ng Santillan Farm-- sina Adolfo at Arnulfo.

Oo, tinutulungan siya ng mga ito na maghukay.

"Dito, nang malaman mo ang sagot sa tanong mo," nasa tono ni Adolfo ang kaseryosohan.

Kahit hindi nito nilingon si Xian ay tumugon naman.

Nang matanaw ni Randall si Ashey, agad niyang iniwan sandali ang ginagawa at sinalubong ito ng isang mahigpit na yakap.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now