24: Therese 2.0

7 0 0
                                    

PAA, tuhod, balikat, ulo..

MASAYA na umiindak si Therese. Sinasabayan niya ang tugtuging pambatang 'yon. Paborito niya na sayawin 'yon. Paborito rin ng nanay at tatay niya na ipasayaw sa kaniya.

Pero hindi si...

"Naku, sinasayaw mo na naman 'yan! Hoy, Therese, masyado ka ng matanda sa tugtugin na pang- kinder na 'yan."

Nagtawanan ang dalawa pa na bata na palagiang kasama ng batang nagsalita. Ang mga batang ito ay palagi na lang na hinahamak ang pagsasayaw niya. Sa totoo lang, palagi naman ganoon ang mga ito simula pa no'ng magka- isip siya. Walang ibang kantyawan kung hindi siya. Pare- pareho sila ng edad. Oo nga at hindi na sila kinder, pero ano ba ang masama sa pagsayaw ng tugtugin na 'yon? E, sa nakaka- engganyo naman sayawin. Saka sabi ng nanay niya niya, as long as wala kang tinatapakan na tao sa isang bagay na gusto mo at masaya kang ginagawa, ipagpatuloy mo lang.

"Tabi nga d'yan. Nakakairita ka na makita talaga," masungit na sabi pa sa kaniya ni Tatianna.

Pinsan niya 'to. Pareho silang walong taon gulang pero hindi masasabi ni Therese na magkasundo sila dahil mula nang magka- isip siya, galit na palagi sa kaniya si Tatianna. Sa hindi niya malaman na dahilan. Biro ng tatay ni Therese, kaya raw galit sa kaniya ang pinsan dahil 'di hamak na mas maganda siya at mas matalino rito. Na tinawanan niya lang. Siyempre pa, biro lang naman 'yon. Nauunawaan niya na pinapagaan lang ng tatay niya ang loob niyang nasasaktan sa tuwing gano'n siya tratuhin ng nag- iisa pa naman niyang pinsan. Sayang lang at sa pagkakatanda pa naman niya ay magkasundo naman sila no'ng apat na taon gulang pa lamang sila. Hindi niya alam at kung kailan na nagsimula na magkagano'n si Tatianna sa kaniya. Tila ayaw siyang nakikita, ayaw na siyang kalaro bigla. Habang lumalaki tuloy siya ay nag- iisa siya at walang kalaro. Paano'y hindi niya rin ginugusto na lumabas ng bahay para makipaglaro at gano'n din naman ang mga bata sa kaniya. Sasabihan siya na luka-luka, sinto-sinto...

"ANG DAMI kong makakasalubong, ikaw pa na sinto-sinto ka!" Marahas na tinulak ni Hera si Therese.

Malayo pa lang ay natanaw niya na ang grupo nito. Iniwasan naman sila ni Therese, gumilid pa nga siya kahit kakarampot na lang ang maraanan at nakaharang ang apat na babae sa daanan papunta sa kanilang silid- aralan, nagawa pa rin talaga siya na mapuna at itulak nito-- nasubsob tuloy siya sa kaibigan nito na si Fatima...

"Ew!" Tinulak naman siya ni Fatima patungo kay Arielle...

"Yuck! Do'n ka nga! Sinto-sinto!"

"Hey, don't you dare!" Pinanlisikan siya ng mga mata ni Tricia.

Na para namang kasalanan pa ni Therese na ginawa siyang bola na pinagpasa- pasahan ng tatlong kaibigan nito. Dahil petite siya, agad siya tuloy na nawalan ng balanse. Lalo pa at sinadya siyang itulak pang muli ni Hera--- hinila nito ang bag niyang nakasukbit sa likod niya, saka 'yon binitawan padausdos sa kaniya. Lumagapak sa sahig si Therese. Na kung hindi niya naitukod ang mga palad agad sa semento, magkakapasa siya sa pisngi panigurado. Tumayo na lang siya at pinagpagan niya ang mga tuhod, saka iniwan niya na ang mga kaklase niyang nagtatawanan. Sa gano'ng paraan sila napapasaya ni Therese sa araw-araw.

"TATIANNA, 'yan na 'yong pinsan mo, oh!"

"Naku ha, hindi ko kaano-ano 'yan. Look at me, ganito ba siya kaganda?"

Dire- diretso na nakayukong nilagpasan lang ni Therese ang grupo ng pinsan na si Tatianna. Nakasalubong niya ang mga ito sa cafeteria ng school. Oo, pareho sila ng school na pinapasukan ng pinsan.

"Hoy, Therese, may nakikita ka pa ba sa dinaraanan mo?"

"Sanay na siya sa dilim, par!"

"Hoy! May mga kaibigan na engkanto 'yan, kayo rin!"

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Donde viven las historias. Descúbrelo ahora